Kim Molina nakatanggap ng Chucky doll mula kay Darryl Yap

Kim Molina naluha, nakatanggap ng Chucky doll mula kay Darryl Yap

Therese Arceo |March 26,2024
facebook
share this

Kim Molina naluha, nakatanggap ng Chucky doll mula kay Darryl Yap

Therese Arceo - March 26, 2024 - 04:56 PM

Kim Molina naluha, nakatanggap ng Chucky doll mula kay Darryl Yap

Darryl Yap at Kim Molina

HINDI napigilan ng aktres na si Kim Molina ang maiyak matapos siyang sorpresahin ni Darryl Yap ng regalong Chucky doll.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang isang video na kuha ng kanyang boyfriend na si Jerald Napoles habang sinusurpresa siya ng direktor ng kanyang paboritong manika.

“Legit, naiiyak ako,” saad ni Kim sa video.

Sabi naman ni Darryl, “‘Wag ka nang maiyak. ‘Di ba gusto mo talaga ‘to? […] Alam kong hindi ka mahilig sa Barbie, sa Chucky ka mahilig.”

Bata pa lang raw si Kim ay talagang gusto na niya ang nakakatakot na manika.

Hirit pa ni Darryl, “Alam mong siraulo ‘di ba? […] Alam mong walang magreregalo sa ‘yo n’yan. Ang babait ng mga kaibigan mo e.”

Baka Bet Mo: Kim Molina nabastusan sa ’69’ comment ng basher kay Jerald Napoles

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)

Labis naman ang pagpapasalamat ni Kim sa kaibigan dahil tanggap siya nito kahit na may weird siyang pangarap.

“That friend who knows you so well at tanggap kahit ang pinaka-weird mong pangarap [laughing emoji].

Maliban sa mga mermaids na nakikita niyong pinopost ko, bata pa lang ako mahilig rin ako sa manika,” panimula ni Kim.

Aniya, noong nagkatrabaho pa lang sila sa pelikulang “Jowable” ay naikuwento na niya na may hinahanap siyang particular size and replica ng Chucky doll.

Amin pa ni Kim, “Only a few of my friends know this about me, at hindi niya nakalimutan. This is his soft sweet side. Ang side ni Darryl Yap na madalas nakatago sa madla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero dahil siya na rin ang nagsabi, ako ang muse niya as his first mainstream lead, lakompake ibubulgar ko to. ILYDa! Thank youuuu [emojis].”

Reply ni Darryl sa post ni Kim, “Mahal kita Elsa, Tasha, Lunie.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending