Kim Molina ibinunyag na siya ang 'nanligaw' kay Jerald Napoles

Kim Molina ibinunyag na siya ang ‘nanligaw’ kay Jerald Napoles: Gwapo ‘di ba?

Pauline del Rosario |January 04,2024
facebook
share this

Kim Molina ibinunyag na siya ang ‘nanligaw’ kay Jerald Napoles: Gwapo ‘di ba?

Pauline del Rosario - January 04, 2024 - 10:46 AM

Kim Molina ibinunyag na siya ang 'nanligaw' kay Jerald Napoles: Gwapo ‘di ba?

PHOTO: Instagram/@kimsmolina

TILA nagkaroon ng pagtatapat ang comedienne-actress na si Kim Molina kaugnay sa relasyon nila ng comedian-actor na si Jerald Napoles.

Inamin ni Kim na siya ang nanligaw sa kanyang partner!

Sa isang panayam sa programang “Magandang Buhay,” ikinuwento ng aktres na sampung taon na silang nagsasama, pero anim na taon lang diyan ang “official.”

Ang paliwanag niya, nagsimula kasi sila bilang mag-bestfriends.

“Ako po nanligaw. Gwapo diba? Bestfriends po kasi kami,” sey ni Kim.

Lahad pa niya, “Para nga pong hindi siya ligaw. Alam niyo ‘yung pareho kayo ng mga goals in life.”

Baka Bet Mo: Nanay ni Jerald Napoles kung anu-anong trabaho ang pinasok: ‘Naging manikurista, nagtinda sa Divisoria, nag-floor manager, nag-yaya’

Ibinunyag din ng komedyana na sa ilang taong pagsasama nila ni Jerald ay ilang beses na rin silang naghiwalay.

Ang madalas daw na dahilan ay ang kanilang trabaho sa showbiz industry.

“Dumating na po sa point na parang tine-test namin, ‘Kaya ba natin to? Itutuloy pa ba natin?’ Within the years na magkasama po kami, ilang beses na kami nagkahiwalay,” chika niya.

Patuloy niya, “Pareho po kasi kami na when it comes to work, nagkaroon ng opportunities dito, parang dito ba muna tayo magfo-focus or tayong dalawa muna. ‘Uy nilo-love team ako dito, doon. May time pa ba tayo for each other?’ So we had that phase, but at the end naging okay naman po.”

Magugunita noong nakaraang taon, nabanggit ni Jerald na pinag-uusapan na nila ni Kim ang mag-settle down, ngunit wala pa silang plano talaga pagdating sa pagpapakasal.

“So now, we feel that we need to maximize our individual potentials before we settle down and start our own family. Napag-uusapan naman (ang wedding), pero wala pang concrete plans,” wika ng aktor.

Aniya pa, “We talk about our future at alam naman namin kung saan kami papunta.”

Nagsimula ang kanilang relasyon sa musical na “Rak of Aegis,” at una silang nagtambal sa pelikulang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” noong 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod niyan ay naging mag-love team din sila sa drama film na “Ikaw at Ako at ang Ending,” at ang romantic-comedy film na “Girlfriend Na Pwede Na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending