Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye | Bandera

Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

Pauline del Rosario |March 03,2023
facebook
share this

Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

Pauline del Rosario - March 03, 2023 - 03:33 PM

Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

PHOTO: Instagram/@kimsmolina

ISINIWALAT na ng celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles ang kanilang “blessing reveal” sa social media.

Kung maaalala, naging usap-usapan kamakailan lang ang nakakaintrigang post ng dalawa na may konek sa bagong kaganapan sa kanilang buhay at career.

Ang hula pa nga ng marami ay magiging parents na ang dalawa at buntis na raw si Kim, habang ang ilan naman ay nagsabing baka nag-propose na si Jerald sa kanyang longtime-partner.

Pero lahat pala ‘yan ay mali!

Dahil sa isang Instagram video, ibinunyag ng dalawa na ang kanilang bagong blessing ay ang pagtatambalan nilang bagong comedy serye.

“Ito na nga ang ating blessing reveal. Sobrang natuwa kami ni Je kasi excited din kayo. Lahat naman ay shine-share namin sa inyo kaya sabihin na namin ang bagong chapter ng aming buhay. So matagal namin itong hinintay,” sey ni Kim sa umpisa ng video.

Ayon naman kay Jerald, nabasa nila ang mga naging comments ng netizens sa naunang post at natutuwa raw siya dahil marami ang naging interesado sa kaganapan nila sa kanilang buhay.

Saad ng aktor, “Nakita namin ‘yung mga comments niyo tsaka lahat ng likes niyo, pati ‘yung mga nag-repost.”

“Maraming, maraming salamat sa inyong lahat dahil ay interesado kayo sa mangyayari. Very interesting naman talaga dahil special to samin,” aniya.

At sa bandang huli nga ay ni-reveal na ng dalawa ang kanilang tinutukoy – ang kauna-unahan nilang comedy serye sa TV5 na pinamagatang “Team A.”

“Our very first fun-serye. March 18 na po ito sa TV5, 9:30 p.m. every Saturday,” sey ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)

Mababasa sa komento na tila nabigo sa mga inaasahan ang ilang netizens, pero ipinaabot nila na masaya sila sa bagong proyekto ng dalawa.

“Congrats pa rin kahit iba ‘yung dahilan ng excitement namin. Hahaha. Saya niyo talaga! Salamat sa pagpapasaya niyo din sa amin,” sey ng isang fan.

Comment ng isa pang netizen, “Pasaway nag-Expect ako ng baby. May baby nga naman sa set [laughing emoji] but CONGRATS to all and to both of you [clapping hands emoji].”

Saad ng isa pa, “Akala ko magkaka-baby na po kayo [happy face emoji] congrats po sa bago niyong serye mga lodz.”

Related chika:

Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad

Kim Molina buntis na nga ba sa panganay nila ni Jerald Napoles…o baka naman engaged na?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending