Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad | Bandera

Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad

Ervin Santiago |July 18,2021
facebook
share this

Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad

Ervin Santiago - July 18, 2021 - 11:38 AM

HINDI na nahirapan si Direk Irene Villamor sa mga maiinit at maseselang eksena nina Jerald Napoles at Kim Molina sa bago nilang pelikula sa Viva Films, ang “Ikaw At Ako At  Ang Ending.”

Yes, hindi pa man humuhupa ang mainit na pagtanggap ng publiko sa movie ng KimJe na “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” ay may kasunod na nga kaagad ito.

But this time, sasabak naman sa action-drama ang magdyowa with matching nakakalokang sex scene na siguradong ikagugulat daw ng manonood.

Ayon sa direktor ng pelikula, sobrang komportable na sina Jerald at Kim sa isa’t isa kaya wala siyang naging problema sa lock-in shoot ng “Ikaw at Ako at ang Ending” na kinunan pa sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Sey ni Direk Irene, malaking tulong na magkarelasyon sa tunay na buhay ang KimJe (eight years na silang magdyowa) dahil talagang game na game ang mga ito sa lahat ng mga eksenang ipinagawa niya.

“Hindi ako nahirapan kasi sila pa nga ‘yung nagsasabi sa’kin, ‘o ano pa ang gusto mong ipagawa sa amin?’. Masaya nga kasi ang dami nilang kayang gawin at ibigay sa direktor kaya ang gaan ng lahat.

“Kaibigan ko rin sila, kaya alam ko kung ano ang mga kakayahan nila sa pagiging artista. Puede mo silang i-push kung hanggang saan sila masasagad. 

“Ang peg ko sa movie is ‘Thelma and Louise’ na you and me against the world ang characters. Their characters as Martin and Mylene are not the types you’d expect to play leads, but they surely deserve to have their own movie. 

“They are two hopeless strangers who meet in an unexpected time where both are trying to escape from their miserable lives and they get involved in some surprising incidents that lead to a very suspenseful and exciting climax,” lahad ng direktor.

“Pangarap ko na talagang gumawa ng ganitong pelikula. Gusto ko talagang mag-action. Parang patikim pa lang ito sa akin ng universe, kung ano ang kaya kong gawin sa genre na ‘yon.

“Sobra ko siyang in-embrace, sobra ko siyang mahal. So, parang hindi naman sa babae o sa lalake o sa gender, but it’s more of sa gusto kong ikuwento at gusto ko rin yung energy ng genre,” pahayag pa ng direktor sa virtual mediacon ng pelikula.

Iikot ang kuwento ng “Ikaw At Ako At Ang Ending” sa dalawang estranghero na pinagtagpo sa hindi inaasahang oras kung saan kapwa sinusubukang takasan ang kanilang mga miserableng reyalidad.

Nag-premiere sa YouTube ang teaser trailer ng pelikula noong July 11, at siksik ito ng takbuhan, car chasing at maiinit na love scenes ni Kim at Jerald, at mukhang puno ng suspense at aksyon ang pelikula. Ngunit dahil ito ay pelikulang gawa ni Direk Irene, siguradong marami pang sorpresa ang mapapanood sa pelikula.

Siguradong marami rin ang masosorpresa sa kakaibang Kim at Jerald na mapapanood sa pelikulang ito, dahil ibang klase ng pag-arte ang kanilang ipapakita bukod sa kanilang pagpapatawa, kung saan mas kilala sila. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang pelikula simula sa Aug. 13 — streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending