Kelvin Miranda nag-react sa pa-blind item ni Darryl Yap

Kelvin Miranda sa pa-blind item ni Darryl Yap: ‘Wag po muna tayo mag assume

Pauline del Rosario |November 30,2023
facebook
share this

Kelvin Miranda sa pa-blind item ni Darryl Yap: ‘Wag po muna tayo mag assume

Pauline del Rosario - November 30, 2023 - 10:21 AM

Kelvin Miranda sa pa-blind item ni Darryl Yap: 'Wag po muna tayo mag assume

Kelvin Miranda, Darryl Yap

NAG-REACT agad ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa ibinanderang blind item ng film direktor na si Darryl Yap.

Ito ay kaugnay sa Facebook post ng direktor na sinasabing nag-book ang international singer na si Sam Smith ng Pinoy actor sa halagang P1 million per night.

“Basta, may alam akong lalakeng artista na nabooking ng international singer na pumunta dito sa bansa kamakailan lang. Nagcheck-in sila. 2 nights. Parang 1M per night,” caption ni Darryl.

Dagdag pa niya sa post, “Pero malay naman natin kung ano’ng ginawa nila, baka nagkantahan lang sila ng ‘unholy’.”

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap ‘yung commitment

Noong November 28, sinagot ng aktor ang isyu sa pamamagitan ng live video sa kanyang verified Facebook page.

Burado na ang nasabing video, pero maraming netizens ang nakapag-save ng kanyang naging statements.

“Kanya-kanya naman ‘yan. Nirerespeto ko naman lahat ng ano…kung papaanong tinatanggap ng mga tao, ‘yung mga ganyang bagay,” saad niya.

Dagdag niya, “Feeling ko naman hindi galit ‘yon si Direk Darryl Yap sa akin. Hindi naman siya nag-drop name or nagbigay ng ano… Kung ano lang ibinibigay niya.”

Nabanggit din ni Kelvin na marami ang nagli-link sa kanya sa pa-blind item ni Darryl, pero wala naman daw katotohanan ito.

Ang paalala niya, huwag basta-basta maniniwala kung ito ay sab-sabi lamang.

“‘Yung mga tao talaga, ‘yung nagbigay ng pangalan ko. Hindi ko naman sila kilala, ‘di ba? Hindi din naman nila ako kilala,” sey ng Kapuso actor.

Samantala, may ilang netizens ang nagsasabi na huwag seryosohin ang nabanggit na post ni Darryl dahil maaaring hindi siya reliable source of information.

Komento ng isang netizen, “Naniniwala kayo dyan Darryl Yap? Wala naman credibility ‘yan.”

“We really believing Darryl Yap neowwww??,” reply ng isang X user.

May ilang social media user naman ang nagsabi na hindi na dapat nagsalita si kelvin sa isyu kung hindi siya guilty, considering na hindi naman na-mention ang kanyang pangalan sa post.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Bakit ka naman kasi nagbigay ng response, hindi mo nga kailangan magbigay ng comment kasi wala naman pangalan mo sa post.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bakit ka nag-react? Mapapatanong tuloy lalo ang mga chismosa dahil sa reply mo.”

“Dapat hindi nalang si Kelvin nagsalita. Marami naman ang hindi alam niyan.”

As of this writing, wala pang pahayag at update si Darryl kaugnay sa kanyang blind item.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending