Kelvin Miranda naranasang masigawan, ma-bully: Kahit hindi ako ‘yung may kasalanan ako pa rin ‘yung pinapagalitan | Bandera

Kelvin Miranda naranasang masigawan, ma-bully: Kahit hindi ako ‘yung may kasalanan ako pa rin ‘yung pinapagalitan

Reggee Bonoan |July 02,2023
facebook
share this

Kelvin Miranda naranasang masigawan, ma-bully: Kahit hindi ako ‘yung may kasalanan ako pa rin ‘yung pinapagalitan

Reggee Bonoan - July 02, 2023 - 04:51 PM

Kelvin Miranda naranasang masigawan, ma-bully: Kahit hindi ako ‘yung may kasalanan ako pa rin ‘yung pinapagalitan

NAPAHANGA ni Kelvin Miranda ang aktres na si Bea Alonzo nang sumalang siya sa legit lie detector test vlog nito na in-upload sa YouTube channel kagabi, Hulyo 1.

Napaka-straight forward kasi ng aktor at inamin niyang mabusisi siya sa mga karakter na ginagampanan niya at iminumungkahi niya ito sa mga nakakatrabaho niyang direktor.

“Hindi mo kasi magagampanan ‘yung pagiging aktor mo kung hindi mo ipaglalaban ‘yung karapatan mo ng character mo, so, if meron akong suggestion binubuksan ko naman iyon sa mga direktor, producers, writers lalo na sa co-actors ko,” esplika ni Kelvin na 2016 lang nagsimula sa kanyang showbiz career.

Natanong rin ang baguhang aktor kung sino ang top 5 actors na hinahangaan niya.

“Foreign gusto ko si Jim Carrey (tanong ni Bea kung napanood na ang documentary), yes Jim and Andy, sobrang galing nga. ‘Yung method (acting) pero hindi ko naman ina-adapt ‘yung method pero nabibilib kasi ako sa kanya once na gumanap siya ng isang character. sa sa trajectory ng career gusto ko si Leo Di Caprio, gusto ko maging katulad niya someday if ever, siyempre si Jack Nicholson, Heath Ledger. Nagustuhan ko si Drive (gumanap), Ryan Gosling,” sagot ni Kelvin.

Dito na sinabi ni Bea na napansin niyang pawang dark ang mga characters na ginagampanan ng mga Hollywood actors na binanggit niya, “would you say ganu’n ‘yung acting style mo?”

“Siguro iyon ‘yung ini-aim ko for now. Hindi ko alam kung magbabago siya sa huli or soon,” saad ni Kelvin.

Sa local actors naman ay, “katrabaho ko ngayon si Kuya Dennis (Trillo). Gusto ko rin ‘yung mga trabaho niya at kung papaano siya umarte.”

Nasigawan na ba si Kelvin ng direktor, “yes! Na-experience ko ring ma-bully ng direktor. Kahit hindi ako ‘yung may kasalanan ako pa rin ‘yung pinapagalitan, pinapahiya sa mga tao. Binigay ko naman ‘yung best ko tapos dahil sa mga stunts pag walang double gusto niya ipa-ulit ng ipa-ulit sa akin.”

At dahil dito tinanong ni Bea, “would you say sometimes toxic and showbiz industry?”

“Yes it is! Kasi even sa body clock natin sa mental health hindi maganda, so, para sa akin toxic talaga sa social (media), marami tayong hindi makakasundo konting kilos natin (may) masabing hindi maganda, puwedeng gamitin ‘yun laban sa atin kahit hindi naman natin mini-mean minsan,” paliwanag ni Kelvin.

Hirit ni Bea, “sana iyon ang magbago sa showbusiness. Bata pa ako ganu’n na, ngayon bat aka (Ke ha, haha.”

Inamin din ni Kelvin na may nakagalit na siyang co-actor niya at kinausap niya ito in a diplomatic way kaya walang sapakang nangyari.

Nag-ugat ito sa isang project na binu-bully siya kahit wala siyang ginagawa na pinalampas niya pero nang muli silang magsama sa isang proyekto ay kinausap na nga niya ito dahil hindi na niya kayang palampasin pa lalo’t hindi pumapabor ang direktor sa kanya.

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda inakusahang ‘cheater’,ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga ‘resibo’

Natawa kami sa sagot ng aktor sa tanong ni Bea kung naikukumpara na ba niya ang sarili sa ibang kasabayan niyang aktor din.

“Hindi, pero ‘yung manager ko, oo,” kaswal lang na sagot ng binata bagay na ikinahalakhak ng husto ng aktres.

“Ha, ha, ha, ha, (sabay palakpak) gusto ko ‘yung sagot (sabay tingin sa puwesto ng manager). Ha, haha, I love it!” tawang-tawa pa ring reaksyon ni Bea.

Tuloy ni Kelvin, “ako kasi ‘yung tipo ng tao na parang (napalingon din sa reaksyon ng manager). Naniniwala kasi ako sa bawa’t indibidwal may kanya-kanyang path sa sarili natin. So, personality bakit kailangan ko sila gayahin? Bakit kailangan kong humilera sa kanila na kaya ko namang piliin ang sarili kong daan, di ba?”

“I love the confidence!” nakangiting sabi ng aktres.

Dagdag pa, “sige ipapakita ko ‘yung co-actors mo kung talagang (sabay kuha ng tablet). Sabi mo hindi mo kinukumpara ang sarili mo sa mga kasabayan mo? Do you think you’re a better actor than him (Miguel Tanfelix).”

“Bata palang po ako napapanood ko na siya,” kaswal na sagot ng aktor.

Diin ni Bea, “yes or no lang, do you think you’re a better actor than him (pakita ang larawan ni Miguel).

“No!” mabilis na sagot ni Kelvin.

Pero nag thumbs down si Kuya Bunso na tsine=tsek kung nag-lie o hindi ang sinasabi ng guest ni Bea.

Kaya grabe ang tawa ni Bea na talagang napasadsad pa sa pagkaka-upo niya si Kelvin dahil alam niya sa sarili niya na nag-lie siya, ha, ha, ha.

Sunod na ipinakitang larawan ay si Derrick Monasterio kung mas magaling umarte si Kelvin, “hindi.” Thumbs up ang sabi ni kuya Bunso.

“Tingin mo mas versatile ka sa kanya, Ruru Madrid),” tanong ni Bea.

“Nag-bading na ako, eh (gumanap na) ha, ha, ha, No!” natawang sabi ni Kelvin.

Ibig sabihin nasubukan na ng aktor na gampanan karakter na gay kaya isa rin itong matatawag na versatility.

Hindi maka-get over si Bea dahil inulit niyang, ‘pero sabi mo mas magaling ka kay Miguel? Ha, ha, hahahaha.”

Tawang-tawa rin si Kelvin na hindi niya malaman bakit thumbs down ang resulta ng machine.

Hirit ulit ni Bea, “Miguel o, mas magaling daw siya sa iyo?”

“Bro (sabay taas ng kamay),” bati ni Kelvin.

“Ha, ha, ha, ha pinag-aaway ba? Joke lang,” masayang sabi pa rin ni Bea.

At sa tanong ni Bea kung sino ang crush ni Kelvin, “sa showbiz, si Isabel Ortega” ang sagot ng binata.

Hmm, mukhang magkakaroon na ng iringan sina Kelvin at Miguel dahil girlfriend ng huli si Isabel na ewan kung bakit hindi pa nila inaamin.

Anyway, bumilib si Bea dahil pawang batikang aktor at aktres ang mga makakatrabaho ni Kelvin tulad nina Gina Pareno, Jaclyn Jose, Ronaldo Valdez, Janice de Belen at iba pa.

“Grabe naman, anong project ito?” tanong ng aktres.

“Poon, horror movie at intended for Metro Manila Film Fest (2023),” kaswal na sagot ng aktor.

Dekada na ang inabot ng mga nabanggit na premyadong artista sa showbiz kumpara sa isang Kelvin Miranda na nagsisimula palang umingay ang pangalan niya dahil napansing magaling siyang umarte.

Kaya ang tanong ni Bea, “napi-pressure kacba?”

Baka Bet Mo: Kira Balinger dinenay na siya ang third party sa hiwalayang Kelvin Miranda at Roselle Vytiaco: ‘Hindi ako kabit!’

“Hindi. Simula bata ako isa sila sa mga nakikita ko na sa telebisyon sa pelikula at sila talaga ‘yung masasabi kong magagaling talaga. Pag nakaka-eksena ko sila hindi ko naiiwasang nanonood ako. Talagang natutuwa ‘yung puso ko na makita sila, mapanood sila,”kuwento ni Kelvin.

Dagdag pa ni Bea, “tapos may gagawin ka pang pelikula with Ms Nora Aunor and Bianca Umali, this is another film?”

“Yes Mananambal, intended din siya for Metro Manila Film Fest (2023),” kaswal na sabi ni Kelvin.

Nasabi na lang ni Bea, “grabe, you’re working with the Superstar and the National Artist. Suwerte mo naman, ako hindi ko pa siya nakaka-work. Hi mon a lang ako sa kanya (Nora).”

Bukod dito ay ka-trabaho rin ni Kelvin si Beauty Gonzales sa GMA series na “Loving Ms Brigette” kaya ang tanong ni Bea ay posibleng makipag-date ang aktor sa babaeng mas may edad sa kanya.

“Age doesn’t matter,”mabilis na sagot ng aktor.

At inamin na rin nitong may naka-date na siyang seven years older than him kaya nagulat si Bea at naalala na ang galing ng binata sa series na “Loving Ms Brigitte”.

At ngayon ay muling ka-trabaho ni Kelvin si Beauty sa sitcom ni Senator Bong Revilla, “ate ko naman siya ro’n, ha, ha, ha, ha,” natawang saad ng binata.

Mukhang paborito ni Beauty si Kelvin dahil may na-shoot na rin silang After All na ayon sa aktor ay hindi pa maipalabas dahil may problema sa editing.

Kaya gulat na gulat si Bea kung paano pa nama-manage ni Kevin ang oras niya sa rami ng proyekto niya.

Ang ganda ng takbo ng tsikahan nina Bea at Kelvin abangan ang part 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap ‘yung commitment

Kelvin Miranda na-diagnose ng bipolar 1, PTSD, ADHD noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending