Kelvin Miranda inakusahang 'cheater',ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga 'resibo' | Bandera

Kelvin Miranda inakusahang ‘cheater’,ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga ‘resibo’

Therese Arceo |January 05,2023
facebook
share this

Kelvin Miranda inakusahang ‘cheater’,ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga ‘resibo’

Therese Arceo - January 05, 2023 - 05:50 PM

Kelvin Miranda inakusahang 'cheater',ex-dyowang si Roselle Vytiaco naglabas ng mga 'resibo'

MUKHANG walang tigil ang rebelasyon sa pagpasok ng taong 2023 dahil isa na namang artista ang nahaharap sa cheating allegation at ito ay walang iba kundi ang Kapuso star na si Kelvin Miranda.

No chill mga ang vlogger at ex-girlfriend ng aktor dahil ito mismo ang naglabas ng mga “resibo” ng pagtataksil sa kanya ng dating boyfriend.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Roselle Vytiaco, dating dyowa ni Kelvin Miranda ang mga screenshot ng conversation ng aktor sa kanyang katrabahong artista.

“May cheater na pakape kape lang ngayon sa ig story niya shahzhah. adv happy birthday mwa,” panimula ni Roselle sa IG story niya.

Kasunod na nga ito ang mga palitan ng mensahe nina Kelvin at ng hindi pinangalanang artista.

Pagbibigay clue pa nga ni Roselle, may dyowa rin daw ang kapalitan ng mensahe ng kanyang ex-boyfriend at isa raw itong kapamilya star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kelvin Miranda (@iamkelvinmiranda)

“For context: Mayroon silang upcoming film. Sila yung bida pareho. Ever since we started dating, I’m very open to our field of work kasi halos same kami na may nakakawork na iba’t ibang tao. Sa kanya nga may mga bed scene pa but full support ako sa kanya as in never naging problem sa kin. Minsan iisipin mo ako pa ‘yung artista kung magselos siya. Little did I know na takot lang siya sa sarili niyang multo. HAHAHA,” sey ni Roselle.

Kasunod ay ibinahagi naman niya ang screenshot ng pag-uusap nila ni Kelvin na grabe kung makapagselos.

Pagkukwento pa niya, nagkaroon siya ng mga screenshot matapos niyang kunin ang phone ng aktor at ini-screenrecord niya ang mga ito at nang ma-transfer na niya sa kanyang phone ay dinelete na niya ito at ibinalik sa dating kasintahan ang cellphone.

Aniya, “Ok I never thought I’d do this but ako kasi yung sinisisi niya bakit siya ‘na-attract’ sa iba… Cheater daw ako. Ginawa pa kong salamin amp. HAHAHA.”

May issue daw si Kelvin sa kanya dahil masyado raw siyang mabait sa mga ex-boyfriends niya maging sa followers niya. Paglilinaw niya, hindi naman daw ibig sabihin nito ay nakikipaglandian siya.

Ibinahagi rin niya ang pagpunta niya sa launching ng salon ng mommy ng ex niya bilang paggalang at ito raw ang ginamit na “butas” ng aktor para sisihin siya.

Ibinandera rin niya na hindi deserve ni Kelvin ang kanyang respeto dahil ito mismo ay binastos siya noong mismong anniversary nila.

“Last Dec. 23 was supposed to be our 1st anniversary. Nasa lock-in siya since Dec. 11-21 so sabi niya bigyan ko lang muna siya space para makapag-focus sa trabaho. I did. Di ko siya ginulo o anuman. Mag-uusap daw kami paglabas niya dun. Hanggang sa Dec. 23 na, nasa Baguio ako tapos doon siya nakipag-break,” lahad ni Roselle.

Lumuwas pa nga raw siya mula Baguio para puntahan si Kelvin ngunit parang ibang tao na raw ito.

“Long story short, inamin niya na hindi na raw siya attracted sa akin at attracted na raw siya sa iba pero wala pa daw iba,” sey ni Roselle.

Sa huli at ibinandera na rin ng dalaga kung sino ang nakakausap ni Kelvin at ito nga ang Kapamilya star na si Kira Balinger.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga personalidad na dawit sa kontrobersiyang ito.

Related Chika:
Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap ‘yung commitment

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolo’t lola super kilig din sa tambalang Beauty at Kelvin; fans humiling ng ‘extension’ sa GMA

Mikee Quintos ayaw pasukin ang politika; umaming super na-miss si Kelvin Miranda

Kelvin Miranda na-diagnose ng bipolar 1, PTSD, ADHD noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending