Kelvin Miranda na-diagnose ng bipolar 1, PTSD, ADHD noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic
DUMAAN din sa matinding pagsubok ang Sparkle at Kapuso matinee idol na si Kelvin Miranda noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Knows n’yo ba na isa rin si Kelvin sa mga celebrities na nagkaroon ng mental health condition habang nakikipaglaban sa matinding anxiety dulot ng pagkalat ng killer virus?
Ayon sa Kapuso leading man, na-diagnose siya ng bipolar one disorder at post-traumatic stress disorder (PTSD) with ADHD noong 2020, sa kasagsagan pandemic.
“Hindi ko po siya kaagad na kinonsulta. Parang tina-try ko po siya i-manage sa sarili kong paraan. Hanapin pa ‘yung reason, kung bakit nagkakaganu’n,” kuwento ni Kelvin sa “24 Oras” kamakailan.
Talagang naghanap siya ng mga eksperto na makakatulong sa kanyang kalagayan bukod sa gabay at suporta ng kanyang pamilya at ilang kaibigan.
View this post on Instagram
“Tinaggap naman nila ng buo at sinusuportahan nila ako. Mas ginagabayan nila ako ngayon sa mga ginagawa ko,” sabi pa ng binata.
May advice naman ang Kapuso actor sa lahat ng tulad niyang nakaranas ng mga nabanggit na sitwasyon, “Humanap lang kayo ng mga taong mapagkakatiwalaan at mga tamang suporta para sa inyong pinagdadaanan.”
Samantala, bukod sa sitcom niyang “TOLS” na napapanood sa GTV kasama sina Rufa Mae Quinto at Betong Sumaya, bibida uli siya sa bagong teleserye sa GMA 7.
Ito ay ang “Unica Hija” kung saan makakatambal niya ang Kapuso princess na si Kate Valdez with Beauty Gonzalez.
* * *
Lutang na lutang ang husay sa pag-arte ng Kapuso star na si Mikee Quintos sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit.”
Successful ang portrayal niya bilang si Ning, ang anak na tinaboy ng inang si Gemma (Maricel Laxa) nang dahil sa kasamaan nina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).
For sure, isa ito sa rason kung bakit pumapalo pa rin sa TV ratings ang show tuwing hapon, maliban pa sa mahuhusay na pagganap ng iba pang members ng cast.
Inaabangan na ngayon ang redeeming factor ni Ning dahil unti-unti na nitong nabubuko ang mga plano at panloloko ni Cesar sa kanyang ina.
Tutukan ang pagiging palaban ng karakter ni Mikee Quintos sa “Apoy sa Langit”, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA.
https://bandera.inquirer.net/286224/ivana-dumaan-din-sa-matinding-hirap-may-time-na-wala-akong-raket-kasi-pangit-ako
https://bandera.inquirer.net/296857/albie-aminadong-may-adhd-mas-kalmado-ang-isip-kapag-nag-work-out
https://bandera.inquirer.net/299021/epekto-kay-meryll-ng-bipolar-disorder-wala-akong-energy-sa-life-gustong-kumain-nang-kumain
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.