Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap 'yung commitment | Bandera

Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap ‘yung commitment

Ervin Santiago |November 01,2021
facebook
share this

Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap ‘yung commitment

Ervin Santiago - November 01, 2021 - 08:53 AM

Kelvin Miranda

HIT na hit na ngayon sa mga Pinoy ang bagong single ng Kapuso matinee idol at singer na si Kelvin Miranda.

Relate na relate much ang kanyang fans at social media followers sa lyrics at mensahe ng kanta niyang “Slow Dance” na humahataw pa rin sa iTunes at iba pang digital platforms.

In fairness, talagang nae-enjoy ngayon ng binata ang dalawang mundong ginagalawan niya ngayon — yan ay ang pagiging isang singer-performer at ang pagiging aktor.

Kaya naman todo ang pasasalamat niya sa GMA 7 dahil sa mga bonggang opportunities na ibinibigay sa kanya. 

Tungkol naman sa kanyang lovelife, sinabi ni Kelvin na single na single pa rin siya ngayon. Aniya, ready naman siyang magka-girlfriend anytime pero may kundisyon siya para sa sarili.

“Okay naman kung hindi ako madi-distract sa pangarap ko at hindi naman makakasama. Pero mas gusto ko munang unahin priorities, hindi naman ako hypocrite para sabihin na hindi ako open.

“I’m open pero siguro wala pa rin sa panahon para unahin ‘yun, kasi marami pa akong gustong gawin, hindi ko mapagsasabay, mahirap ‘yung commitment,” pahayag pa ng binata sa panayam ng GMA.

May hugot din siya sa pakikipagrelasyon, “Kung nasaang stage man kayo sa pagiging magkaibigan niyo at masaya naman kayo, suportahan niyo ang isa’t isa kung nasaan man kayo. Hindi naman kailangan ng label para iparamdam ‘yung pagmamahal.”

Pero paglilinaw niya, “Mas masaya ‘yung label para naiintindihan niyo kung ano kayo. Pero kapag hindi mo pa naaayos mga commitments mo, hanapin mo muna ‘yung magpapaayos sa ‘yo bago mo intindihin ‘yung ibang tao.

“Paano mo maiintindihan ‘yung ibang tao, kung hindi mo naman maintindihan ‘yung sarili mo?” katwiran ng binata.

Halikan nina Beauty at Kelvin sa ‘Miss Bridgette’ nagpasabog ng kilig, sigaw ng fans: More! More!


Samantala, marami naman ang nagre-request sa GMA na sana’y magkaroon ng book 2 ang “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette” kung saan nakatambal niya si Beauty Gonzalez.

“Ang dami ngang nagsasabing gusto nila ng book two, kahit yung mga tita ko,” sey ni Kelvin sa nakaraanh virtual mediacon ng GMA Music para sa kanyang bagong single.

“Naabot ko rin yung standards nila, yung expectations nila, na-meet. Hindi lang sa kaedad ko, sa mas higher na age, nanood din ng Loving Miss Bridgette.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya nakakatuwa dahil pati sila, nakikilala ako bilang si Marcus. Sana, bigyan kami ng chance ng management na magkaroon ng book two para sa mga taong humihiling ng pangalawang libro,” aniya pa.

Kelvin Miranda 2 beses nagkadyowa ng ‘matanda’: Mahirap, kaya hindi nag-work

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending