Kim, Jerald 3 beses nang naghiwalay, pero...

Kim, Jerald 3 beses nang naghiwalay, nagkabalikan after mag-love scene

Ervin Santiago - March 17, 2025 - 11:18 AM

Kim, Jerald 3 beses nang naghiwalay, nagkabalikan after mag-love scene

MAKULAY at punumpuno ng hugot ang naging relasyon noon ng celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles bago pa sila humantong sa engagement.

Knows n’yo ba na hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi tatlong beses nang nag-break sina Kim at Jerald pero palagi pa rin nilang pinipili ang isa’t isa.

Malapit nang ikasal ang KimJe at nagsimula na ang kanilang preparation para sa kanilang destination wedding.

Wala pang mga detalyeng ibinigay sina Kim at Jerald pero mukhang sa beach magaganap ang kasal dahil ang palaging sinasabi ng aktres, mermaid ang peg niya sakaling ikasal na sila ni Je.

Sa presscon ng bago nilang movie under Viva Films, ang “Un-Ex You” ipinaliwanag ng magdyowa kung bakit sa tatlong beses nilang paghihiwalay ay palagi rin silang nagbabalikan.

Baka Bet Mo: Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Sabi ni Kim, “Kasi malaki yung ano…puso niya! So siyempre, babalikan mo kapag malaki yung puso. But seriously, hindi ko alam, e.”

“With Je, we’re friends talaga from Rak of Aegis pa (pinagsamahan nilang musical ay noong 2014). Tropa kami lahat and he knows me more than I know myself,” sey pa ng aktres.

Saad pa ni Kim, “He’s just like me and parang may time na kapag hindi ko nahahanap kung sino ako, saan ako, he would always be there to look for me kaya siguro ako bumabalik.”

Rebelasyon nga ni Kim, “We broke up three times already. The first time, Rak of Aegis, tapos nagkabalikan kami. The second time, after three months, sabi may three-month rule, puwede nang mag-date uli? Siya uli ang date ko.

“Yung third time, it was the shoot of Ikaw at Ako at ang Ending (2021). During the shooting, nag-break kami kasi may problema kami noon. Tapos kinabukasan, may bed scene, nagkabalikan kami,” natawang chika pa ng aktres.

Nangyari raw ito noong kasagsagan ng pandemya, “Nag-shoot kami parang pandemic. So during the pandemic, nu’ng time na yun nag-a-adjust kami as mag-live-in. So ang daming adjustments, plus we always work together.

“E, hindi naman po kasi talaga kami technically ilo-launch as a loveteam. Nagkataon lang that we live together so kailangan na magawan ng paraan na makapag-work.

“So during those times, I think it was just a serious type, yung break up na yun. Just to make it clear, nag-usap kami.

“Nag-break kami but at the same time, we realized na yung mga iniisip namin na issues noon, ang liliit compared to kung gaano na kalaki yung samahan naming dalawa. Kaya nagkabalikan kami. Bonus lang po yung bed scenes,” paliwanag ni Kim.

Hirit naman ni Jerald kung bakit hindi niya mapakawalan ang kanyang dyowa, “Masarap…masarap kasama si Kim!”

Samantala, last year, nahanap nina Jerald at Kim ang kanilang “Seoulmeyt” sa isa’t isa. 2023 naman nang patunayan ni Je na higit pa sa “Girlfriend Na Pwede Na” si Molina.

May pagkakataon sa “Sa Haba ng Gabi” noong 2021 nang na-trauma sila sa mga zombie pero nagawa pa rin nilang magpatawa. Sa taong ring ‘yan nang gumanap si Molina bilang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”, at nakadama ng iba’t ibang emosyon kasama si Napoles sa “Ikaw at Ako at Ang Ending”.

Marami nang pinagdaanan ang powerhouse couple na ito simula pa noong “Jowable” days at hindi pa ito natatapos.

Ngayong April, mapapanood muli sa sinehan ang KimJe bilang sina Zuri at Andy sa pelikulang “Un-Ex You”. Asahan ang marami pang pagmamahalan, tawanan, at posibleng iyakan.

Sa edad na 35, may-ari na ng isang small-scale logistics company si Zuri. Lumaki siyang walang permanenteng pamilya kaya natutunan niyang itaguyod ang sarili nang maaga.

Sa ngayon, iilan lang ang tinuturing niyang pamilya – ang malayong kamag-anak na si Bry (Kyosu Guinto), ang bestfriend niyang si Greg (Bob Jbeili), at ang kanyang mga empleyado.

Ngayong nakitaan siya ng sakit na premature menopause, kailangan ni Zuri na kumilos nang mabilis kung gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya. Dahil sa walang lovelife, naghahanap siya ng isang disenteng lalaki na makakarelasyon at magbibigay sa kanya ng anak.

Nasubukan na rin niya ang iba’t ibang proseso ng pagbubuntis at ang huling pag-asa na lang niya ay ang ex niya na si Andy.

Si Andy ay taga-sitio Halúpi, isang liblib na lugar kung saan ang mga residente ay konserbatibo, namumuhay ng payapa at kuntento, at hindi nagmamadali sa buhay. Ito na ang kinalakihan niya sa piling ng kanyang tiya at pinsan na nakasama niya simula mamatay ang kanyang mga magulang noong maliit pa lang siya.

Sinubukan rin naman ni Andy na mangibang-bansa para magtrabaho. Sa kasamaang palad, naaksidente siya roon at nagkaroon ng amnesia. Naibalik siya sa Halupi at hanggang ngayon ay single pa rin. Pero madalas niyang napapaginipan si Zuri kahit wala siyang ideya kung bakit at kung sino ito.

Ngayong nasa Halupi na rin si Zuri, saksihan ang mga gagawin ni Zuri para ma-in love muli si Andy sa kanya, habang nakabantay ang tiya nitong si Mameng (Candy Pangilinan) at ang atribidang pinsan na si Beybeh (Jaja Disuanco).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kagustuhan niyang magkaroon ng magandang kinabukasan kasama si Andy at ang pinapangarap niyang anak, magagawa bang ipaalam ni Zuri kay Andy ang kanilang nakaraan?

Umabot na ng lampas 20 million views across all social media platforms BRA scene drop nito na nilabas lang noong  Sabado. Ang “Un-Ex You” ay mula sa direksyon ni RC Delos Reyes, at kasama rin si Marnie Lapus bilang si Doc Josie. Mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa simula April 9, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending