Kim Molina, Jerald Napoles hindi makapaniwalang inalok ng comedy series: Sure po ba kayo? | Bandera

Kim Molina, Jerald Napoles hindi makapaniwalang inalok ng comedy series: Sure po ba kayo?

Reggee Bonoan |March 10,2023
facebook
share this

Kim Molina, Jerald Napoles hindi makapaniwalang inalok ng comedy series: Sure po ba kayo?

Reggee Bonoan - March 10, 2023 - 11:59 PM

Kim Molina, Jerald Napoles hindi makapaniwalang inalok ng comedy series: Sure po ba kayo?
“SURE po ba kayo?” ito raw ang naging reaksyon ng real life couple na si Kim Molina at Jerald Napoles nang i-alok sa kanila ang Fun-seryeng “Team A” mula sa direksyon ni Mervyn Brondial.

Ito ang kuwento ng KimJe sa ginanap na mediacon ng “Team A” nitong Huwebes ng tanghali sa TV5.

Sabi pa ni Kim, “joke po ba, he, he, he, he.”

“Oo, eh.  Siyempre nagulat kami kasi among other celebrities also that they can cast ay napili po kami ng show na ito, so, initially we are very excited kasi it’s a three project din for both of us. Kasi good vibes at ito ang kinalakihan ko kahit walang pang-sine may mapapanood kang John en Marsha,” opinyon ni Jerald.

Nakuwento rin ni Kim na anuman ang i-post nila sa social media o i-vlog nila ay nakikita naman ng publiko at nasubukan din nilang mag-produce ng mini show noong kasagsagan ng pandemya kaya sakto itong offer sa kanilang fun serye dahil ito talaga ang gusto nila kaya grateful sila.

Nagkuwento si Kim ng sample ng eksenang umiiyak na siya sa katatawa dahil kina Anjo at Jerald na talagang kinailangang mag-cut pa si direk Mervyn pero hindi pa rin natapos sa katatawa ang komedyana.

Sinigurado ng buong cast na sina Kim, Jerald, Anjo Yllana at Yayo Aguila na sa bawa’t episode ng “Team A” ay tiyak na good vibes ang hatid nito sa manonood simula sa Marso 18, tuwing Sabado, 9:30 pm sa TV5 at catch-up episodes sa darating na Marso 19, tuwing Linggo, 9:00 pm sa Sari Sari Channel Cignal Channel 3 produced ng Viva Entertainment, Sari Sari Channel at TV5.

At dahil fun serye ang “Team A” ay natanong ang mag-dyowa kung ano ang ‘happy life’ para sa kanila.

Unang sumagot si Jerald, “happy life para sa akin ay hindi puwedeng i-generalize kasi there’s an individual wants and needs ng tao.  Para sa akin as long as you are aware of that a little thing make you happy as much as big blessings can make you happy, both sides magkakaroon ka ng balance sa perspective mo at sa buhay then you’ll be chill and happy for the rest of your life.”

Sabi naman ni Kim, “I do believe for me being happy is a decision (natawa). Seriously, if you want to be happy, you should be contented of whatever you have because again, if you decided to be happy it will follow.  It’s law of attraction.  Kung kahit maliliit na bagay lang ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan, iyong mga susunod na bagay na darating sa buhay mo ay magiging masaya ka na rin para do’n dahil nakuha mo ‘yun.

“Kasi if you’re just going to look the negativity of every small detail na nahirapan ka sa araw na ito, may nangyayari sa buhay mo ay lagi mong iisipin ang bagay na iyon hindi mon a pagtutunan ng pansin ang kaligayahan na kahit kaunti lang ay nagkaroon ka sa araw na iyon ay tuluy-tuloy na, so being happy is a decision.”

Sumagot din si Yayo bilang nanay ni Kim sa fun-serye.

“Same rin sa sinabi ng mga anak ko (KimJe).  Ang happiness is nasa sa’yo ‘yun kung paano mo ia-accept sa buhay ang mga bagay at kung paano mo tatanggapin ng buo at kung paano mo gagamitin in a positive way.  Kasi maraming bagay dumarating sa buhay natin, so, nandoon kung paano ka didiskarte pero if you have that positive outlook sa buhay mo, walang kahit anong dadating sa iyo na mahihirapan ka.

Baka Bet Mo:  Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

“Like ako sa edad kong ito masasabi ko happy ako, lahat ng idinadasal ibinibigay sa akin ni Lord, kung mayroon man siyang hindi ibinibigay naiintindihan koi yon kaya happy ako.  Saka kung anuman mayroon ako sa araw-araw ipagpasalamat natin at magiging happy ka.  Ang happiness ay nasa sa’yo iyon.”

Say naman ni Anjo, “At dahil old school ako, gusto kong i-quote ‘yung Beatles, ‘All You Need is Love.’ Kasi di baa ng opposite ng happiness is sad. So, kung sad ka, all you need is love kasi love conquers all.”

At si direk Mervyn, “ako po I agree with them.  Parang is living the day para ‘wag ka masyado sa future, ‘yung moment lang and be yourself and appreciate ‘yung mga bagay na nangyari sa iyo instead of worrying about materials things and dictated by the community dapat sa iyo manggaling and spread the good happiness and mayroon siyang happiness kaya happy kayong dalawa and spread what you have.”

Saw along taong relasyon nina Kim at Jerald at kahit magkasama na sila sa iisang bubong ay wala pa silang planong magpakasal kahit napag-uusapan na nila pero open sila na magkaroon ng anak.

“Puwede. Hindi na namin ide-deny ’yan. Ang tatanda na namin, e,” sabi ng aktor.

Sundot ni Kim, “ang tatanda na namin. Gusto ko na nga. Charing! Hahaha!”

Anyway, siguradong mapapahalakhak ng Team A ang mga viewers lalo na’t magkakasama ang iba’t-ibang karakter na maraming pasabog na entry tungkol sa mga isyu pampamilya at marami pang iba.

Ang istoryang ito ay umiikot sa pamilyang Ambida ni Ian (Jerald), Janet (Kim), at ang kanilang unica hija na si Yeye (Gianna Aguiron) kung saan susubukin ang tibay ng kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa lalo na’t umeeksena sa scenario ang nanay ni Janet na si Violeta Bagsic (Yayo) at ama ni Ian na si Arman Ambida (Anjo) dala ng pagkakaiba ng kanilang lifestyle at pinansyal na pagpapalaki.

Ano nga ba ang dapat gawin ng Ambida Family sa parating pagbabangayan ng kanilang mga in-laws? Lalo na’t parating nagpaparinig si Violeta na hindi siya aprubado kay Ian bilang asawa ng anak niyang si Janet dagdagan pa ng di pagsang-ayon ni Arman na maliit-liitin ni Violeta ang kanyang anak na si Ian. Paano kaya mapa pagbati ni Janet at Ian ang kanilang mga magulang at maging magkakampi sa Team Ambida o Team A?
Makakasama rin sa Team A cast sina Gene Padilla bilang Mon Bagsic, asawa ni Violeta at ama ni Janet; Cindy Miranda bilang Rochelle, isang beauty-queen YouTuber na kapatid ni Janet; Marc Acueza bilang Estong, asawa ni Rochelle na mukhang inosente pero napakayaman; Ethan David bilang Jaime Sobel, ang mayabang na kapwa driver ni Ian; at Ashtine Olviga bilang Diane, nakababatang kapatid ni Janet.

Related Chika:
Jerald sa pagpo-propose kay Kim Molina: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anniversary hugot ni Jerald kay Kim Molina: Ang fried chicken sa plain rice, ang wasabi sa sashimi…ngayon lang ako nakumpleto nang ganito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending