Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan | Bandera

Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Ervin Santiago |August 09,2021
facebook
share this

Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Ervin Santiago - August 09, 2021 - 09:10 AM

Kim Molina at Jerald Napoles

SA kabila ng ilang taon nilang pagli-live in, mukhang wala pa talaga sa plano nina Jerald Napoles at Kim Molina ang magpakasal.

Totoong napag-uusapan na nila ang kanilang future together pero inamin nila na hindi pa kasama sa top priorities nila ang mag-settle down dahil may mga gusto pa silang ma-achieve sa kanilang showbiz career.

Sa nakaraang virtual media conference ng Viva Films para sa bagong movie nina Jerald at Kim na “Ikaw at Ako at Ang Ending” muling natanong kung pinaplano na nila ang kanilang dream wedding.

“Wala pa. Marami pang aasikasuhin ngayon lalo na ECQ na naman. Kapag dumarating ang ECQ lahat ng plano sa buhay nag-iiba e,” pahayag ni Jerald.

Sabi naman ni Kim, “Pero nag-uusap naman po kami about our future. Alam po namin kung saan papunta. Especially si Je, alam niyo naman, gentleman yan, gusto niya at ease ako kasi alam naman po niya na 30 (years old) na po ako. May mga ganoong pag-uusap naman.” 

Sa ngayon, mas gusto muna nilang mag-focus sa kanilang mga career lalo pa’t ngayon pa lang daw nila napi-feel ang pagiging tunay na artista dahil mga sa sunud-sunod nilang pelikula sa Viva. 

“Maraming kailangang ma-maximize pa individually while being together. Madaling magplano, mahirap panindigan,” katwiran pa ni Jerald.

Pahayag naman ni Kim, “Kaming dalawa ni Jerald we respect each other’s individuality. Although Si Jerald siyempre nirerespeto niya yung idea na ako at ang parents ko, na siyempre gusto ng parents ko na magpakasal na kami. Kumbaga sa career namin, ngayon pa lang kami nandito.

“From ‘Rock of Aegis,’ everything happened so quickly so ako ayoko rin pong i-hold back yung gustong gawin ni Jerald for himself. Kumbaga bago po kami magsama bilang isa, kailangan buo kami individually,” lahad pa ng isa sa pinaka-busy na aktres ngayong panahon ng pandemya.

Pagkatapos kasi ng hit movie nilang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,” ay pinagtambal uli sila ng Viva sa action-romantic movie na “Ikaw at Ako at Ang Ending” directed by Irene Villamor. 

Iikot ang kuwento ng movie sa dalawang strangers na pinagtagpo sa hindi inaasahang oras kung saan kapwa sinusubukang takasan ang kanilang mga miserableng reyalidad.

Nag-premiere sa YouTube ang teaser trailer ng pelikula noong July 11, at siksik ito sa takbuhan, car chasing at maiinit na love scenes nina Kim at Jerald, at mukhang puno ng suspense at aksyon ang pelikula. Ngunit dahil ito ay pelikulang gawa ni Direk Irene, siguradong marami pang sorpresa ang mapapanood sa pelikula.

Tiyak ding masosorpresa ang manonood sa kakaibang Kim at Jerald na mapapanood sa pelikulang ito, dahil ibang klase ng pag-arte ang kanilang ipakikita bukod sa kanilang pagpapatawa, kung saan sila mas kilala. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman ipakita ang inyong suporta sa #KimJe at panoorin ang “Ikaw At Ako At Ang Ending” sa Aug.13, streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending