Maharlika binengga si Castro, kumampi kina Duterte, VP Sara

Maharlika binengga si Usec Claire Castro, kumampi kina Duterte, VP Sara

Ervin Santiago - March 27, 2025 - 01:39 PM

Maharlika binengga si Usec Claire Castro, kumampi kina Duterte, VP Sara

BINENGGA ng social media personality na si Claire Contreras na mas kilala bilang “Maharlika” si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.

Matapang na sinita ni Maharlika si Castro sa naging pahayag nito na mas inuuna pa raw ni Vice President Sara Duterte ang pagpunta sa abroad, kesa asikasuhin ang mga trabaho nito sa bansa.

Sa press briefing ng PCO Undersecretary nitong Miyerkules, March 26, kinuwestiyon nito ang ilang araw nang pananatili ni VP Sara sa The Hague, Netherlands, kung saan naka-detain ang ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasikaso umano ng bise presidente ang ilang legal issues sa gagawing paglilitis ng International Criminal Court o ICC, sa nagawa umano nitong “crimes against humanity.”

Baka Bet Mo: Heart pinabulaanan ang tsismis na na-stroke, inatake sa puso si Chiz

Hindi nagustuhan ni Castro ang naging pahayag ni VP Sara na wala na umano siyang babalikang bansa dahil patapon na raw ang Pilipinas.

“Siguro sinasabi n’ya ‘yan na road to perdition na tayo, bakit? Dahil hindi naman niya nakikita kung ano ang mga ginagawa, proyekto, programa na naisagawa na at naitulong na ng pamahalaan sa taumbayan. Dahil malamang hindi siya nanonood ng ating press briefing everyday,” ang bwelta naman ni Castro.

“Hindi ba mas magiging…mapupunta tayo sa dumpster kung ang magiging Pangulo natin o ang magiging leader natin ay ang mga katulad nina VP Sara? Mas inuuna pang magpunta sa abroad.

“Magsilbi sa isang tao, although tatay n’ya po yun. Pero marami pa rin pong Pilipino na umaasa sa kaniya bilang Bise Presidente. Mahihirapan po tayong magkaroon ng Pangulo kung lagi pong nasa abroad, hindi po ginagawa ang trabaho dito sa Pilipinas,” aniya pa.

Sa latest vlog naman ni Maharlika ay binanatan nga nito si Usec Castro dahil sa mga nasabi nito laban kay VP Sara.

Aniya, “Inuuna raw ni Inday (Sara) ang mag-travel-travel dito sa Netherlands. Pumunta ba si Inday rito, si VP Sara, para mag-travel siya, business trip or luxury trip.

“Nakalimutan mo ba Dugyot, vlogger ng Malacañang-turned-Undersecretary na ang amo mo, umikot-ikot sa buong mundo, bitbit pa ang mga pulvoronic niyang mga ka-jamming,” aniya pa.

Sey pa ni Maharlika, parang wala raw gustong mag-invest sa bansa dahil feeling niya walang magtiwalang ibang lahi, dahil nagbalikan na naman ang umano’y “extortion” sa bansa.

Wala pang reaksiyon ang kampo ni Usec Castro hinggil dito.

Matatandaang sinabi ni VP Sara sa isang panayak na kahit nasa ibang bansa siya ay ginagawa pa rin niya ang trabaho niya bilang bise presidente.

“Pero as Vice President, may duty din ako sa isang kababayan natin, isang Filipino citizen who is held against his will dito sa ICC detention center.

“So huwag nating isipin na tatay ko siya. Isipin na lang natin na Vice President ako at gumagawa ako ng paraan kung paano maibalik natin ang isang Filipino citizen sa ating bayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Multitasking ako. Nandito ako as vice president, ginagawan ng paraan paano maibalik ang dating pangulo sa ating bayan.

“Nagtatrabaho ako through our satellite offices, through our central office of the Office of the Vice President, tuloy-tuloy ang serbisyo namin para sa bayan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending