Heart pinabulaanan ang tsismis na na-stroke si Chiz

Heart pinabulaanan ang tsismis na na-stroke, inatake sa puso si Chiz

Pauline del Rosario |April 06,2024
facebook
share this

Heart pinabulaanan ang tsismis na na-stroke, inatake sa puso si Chiz

Pauline del Rosario - April 06, 2024 - 10:54 AM

Heart pinabulaanan ang tsismis na na-stroke, inatake sa puso si Chiz

PHOTO: Instagram/@escuderochiz

RECENTLY lamang, kumalat sa social media ang tsismis na isinugod sa ospital si Senador Chiz Escudero, ang mister ng fashion icon na si Heart Evangelista.

Nag-ugat ito sa isang blind item na ibinandera sa Facebook Live ng username na Maharlika noong Huwebes, April 4.

Hindi na namin mahanap ang post, pero base sa inihayag ng nasabing vlogger, may isang male senator from Sorsogon ang na-ospital dahil siya’y na-stroke, inatake sa puso at nagka-aneurysm.

Chinika pa nito na in-airlift ang senador mula sa Sorsogon papunta sa St. Luke’s Medical Center sa BGC.

Dahil diyan, marami ang nag-alala at naniwala na si Senador Chiz ang tinutukoy sa blind item ni Maharlika.

Baka Bet Mo: Heart diniretso ni Chiz: Pag wala na ‘ko, magpapakasal ka ba uli?

Walang inilabas na pahayag sina Chiz at Heart, pero mukhang pinabulaanan na agad ito ng socialite sa pamamagitan ng kanyang live update sa Instagram na ibinandera noong Biyernes, April 5.

Hindi na namin naabutan ang live video, pero marami naman ang nakapag-record nito at shinare sa kanya-kanyang accounts, kabilang na ang fan page na “Heart Evangelista in the Press.”

Caption sa X post, “CHIZ ESCUDERO IS FINE.”

“Heart went on live today while painting. Chiz is in the background eating and getting his hair colored [laughing emoji],” wika ng fan page.

Ani pa nila, “When did Maharlika become a trusted new source? Lmao.”

Sa video, mapapanood na nagpe-painting si Heart sa bahay at naikuwento niya na nagpunta siya sa doktor kamakailan lang upang magpatingin sa mata.

“I came from the doctor yesterday and it’s official: I’m getting old,” sey ni heart sa four-minute live video.

“My eyes are just starting to just… When you turn 39, they said automatic na raw ‘yun. When you turn almost 40, your eyes aren’t as perfect as it was. Nakakapikon,” kwento pa niya.

Kasunod niyan ay iniharap niya ang camera sa mister na makikitang nagpapakulay ng buhok at kumakain ng pizza. 

“Say hi babe! How are you doing? Anong kinakain mo?” tanong ni Heart kay Chiz.

Sagot naman ng senador habang natatawa, “Mini pizza.”

Kasunod niyan, nagkaroon ng IG Story si Heart na ipinapakita naman ang finished products ng kanyang paintings at sabi pa niya, “Pagod. Pagod ako.”

Ipinakita niya rin sa video ang kanyang mister na maririnig na kumakanta at makikitang hawak ang fur baby na si Pochi.

Heart pinabulaanan ang tsismis na na-stroke, inatake sa puso si Chiz

PHOTO: Instagram Story/@iamhearte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending