Noli de Castro: Itutuwid natin 'yung mga fake news

Noli de Castro: Itutuwid natin ‘yung mga fake news

Therese Arceo - March 26, 2025 - 06:12 PM

Noli de Castro: Itutuwid natin 'yung mga fake news

PARA sa batikang news anchor at dating politiko na si Noli De Castro, mahalaga ang papel ng mga journalists sa panahon kung saan laganap ang pagpapakalat ng fake news.

Sa kanyang naging panayam sa kasamahang si Migs Bustos, naususa siya kung nanganganib nga ba ang mga mamamahayag dahil sa patuloy na pagkalat ng fake news.

Saad ni Noli, “Kasi tayong mga tunay na journalist, tayo ang sasalo doon sa kasinungalingan ng mga fake news. ‘Di ba, correct?”

Aniya, responsibilidad nila bilang mga journalists na itueid kung anumang maling balita ang kumakalat at kung wala ang mga mamamahayag ay sino na lamang ang magwawasto sa mga ito.

Baka Bet Mo: Noli de Castro sa abogado ni Quiboloy: Patunayan niyang wala siyang kasalanan!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“‘Yong tradisyunal na mga media outlet like radio and television, especially sa radio, sila ang magko-correct ng nangyayari sa paligid natin lalong-lalo na kung hindi totoo, like for example ‘yong mga nangyayari sa atin ngayon,” dagdag pa ni Noli.

Sa panahon ngayon na napakadali nang magpakalat ng fake news gamit ang teknolohiya, talagang mas kailangang pag-igtingin ang role ng mga mamamahayag para malabanan ito.

Lahad pa ni Noli, “Ang importanteng role ng journalist na makorek nila ang mga lumalabas na mga balita katulad noong pinalabas natin kahapon sa TV Patrol.

“Without us eh hindi malalaman ng… ‘Ay gano’n ba? Eh kahit ako mapaniwala no’n eh. Oh… sa without that correction, maniniwala ang taong bayan eh mas magulo pag gano’n.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending