Noli de Castro at abogado ni Quiboloy nagkasagutan

Noli de Castro sa abogado ni Quiboloy: Patunayan niyang wala siyang kasalanan!

Therese Arceo - August 29, 2024 - 07:25 PM

Noli de Castro sa abogado ni Quiboloy: Patunayan niyang wala siyang kasalanan!

NAGKASAGUTAN ang batikang mamamahayag na si Noli de Castro at ang legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at ni Pastor Apollo Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon.

Sa radio program ni Kabayan ay nausisa niya ang abogado kung bakit “nagtatago sa kanyang lungga” ang pastor at ayaw nitong lumantad para ipagtanggol ang sarili kung wala itong ginawang kasalanan.

Nabanggit ni Atty. Torreon sa programa ni Kabayan ang tungkol sa “written declaration” umano ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan sakaling lumantad si Quiboloy upang linisin ang kanyang pangalan rito sa Pilipinas ay hindi siya ipapadala sa Amerika para harapin ang kasong nag-aabang sa kanya sa naturang bansa.

“He requested lang po ang ating Presidente [Pangulong Bongbong Marcos] na magpalabas ng written declaration, mahina naman itong kaso sir eh, ang ayaw lang talaga niya, na baka ipadala siya ro’n sa United States of America na hindi pa niya na-clear ‘yong pangalan niya dito,” saad ng abogado.

Baka Bet Mo: Netizens ‘umalma’ kay Noli De Castro: ‘What’s wrong with you? Ano ang kinalaman nila Maine at Arjo sa bagyo?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Attorney, kayo po ay isang abogado. Alam ho ninyo na mayroon siyang warrant of arrest. Mayroon rin siyang sinasabi n’yong walang kasalanan. Bakit hindi ho siya sumulpot at ipagtanggol ang kanyang sarili sa pamamagitan n’yo bilang isang abogado ni Pastor Quiboloy?” sey ni Kabayan.

Ang written declaration lang daw ang inaantay ng kampo ni Quiboloy para tuluyan itong lumantad mula sa lugar na pinagtataguan bagay na tila hindi nagustuhan ng beteranong mamamayahag.

“E di magpaliwanag siya sa Amerika. Una, wanted siya ng Federal Bureau of Investigation (FBI). Pangalawa, mayroon po siyang sexual abuse at human trafficking dito sa ating bansa. Pangatlo, kung talagang siya ay Son of God, bakit hindi ho siya sumulpot at ipagtanggol ang kanyang sarili at humingi siya ng blessing mula sa God na siya ay pakawalan at mawala lahat ng kanyang kaso?” sagot naman ni Kabayan.

“Kailangan niyang i-clear ang pangalan niya dito, na-dismiss na nga itong kaso na ito eh. And it is within his right to really question the finding of probable cause… bakit hindi niya puwede itong gawin?” Sabi ng legal counsel.

“Duwag po ang inyong kliyente. Ayaw niyang lumabas. Patunayan niyang wala siyang kasalanan. ‘Yun ang malinaw dyan!” sabi pa ni Kabayan.

Samantala, inamin ni Atty. Toreon na dismayado siya sa tila “pamamahiya” sa kanya on-air ni Noli de Castro gayundin sa buong KOJC at kay Pastor Quiboloy sa panayam niya sa SMNI.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending