Noli de Castro babalik na sa 'TV Patrol'; Martin Nievera, KZ Tandingan bagong coach sa 'The Voice Kids' | Bandera

Noli de Castro babalik na sa ‘TV Patrol’; Martin Nievera, KZ Tandingan bagong coach sa ‘The Voice Kids’

Ervin Santiago - January 08, 2023 - 08:09 AM

Noli de Castro babalik na sa 'TV Patrol'; Martin Nievera, KZ Tandingan bagong coach sa 'The Voice Kids'

Noli de Castro, KZ Tandingan at Martin Never

MULING mapapanood ng sambayanang Filipino si Kabayan Noli de Castro sa “TV Patrol” upang maghatid ng mga nagbabagang balita simula sa Lunes (Enero 9).

Ihahatid ni Kabayan ang pinakahuling balita sa selebrasyon ng “Nazareno 2023” nang live mula sa Quirino Grandstand.

“Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” ayon sa veteran news anchor sa programa niyang “Kabayan” sa TeleRadyo.

Makakasama ni Noli de Castro sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng balita sa mga Pilipino saan man sa mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kabayan Noli (@kabayannolidecastro)


Patuloy rin siyang mapapanood sa kanyang public service show na “Kabayan” at ng morning newscast na “TeleRadyo Balita” kasama si Joyce Balancio sa TeleRadyo.

Napapanood ang “TV Patrol” mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m., habang napapanood naman ang “TV Patrol Weekend” tuwing Sabado at Linggo, 6 p.m. kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez.

Available ito sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC at iba pang ABS-CBN News digital platforms.

Samantala, patuloy ang ABS-CBN sa paglikha ng mga dekalidad at makabuluhang mga palabas sa susunod na taon matapos nitong ipakita ang mga dapat abangang bagong show sa 2023 noong Linggo (Disyembre 18) sa trending na “Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: ABS-CBN Christmas Special 2022.”

Ipinasilip ng kumpanya ang anim na bagong serye na dapat abangan, kasama na rito ang “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Francine Diaz, at Seth Fedelin, “FPJ’s Batang Quiapo” nina Coco Martin at Lovi Poe, “Linlang,” ang pagbabalik telebisyon ni Diamond Star Maricel Soriano, ang unang teleserye ng DonBelle na “Can’t Buy Me Love,” ang “Drag You And Me” na pangungunahan ni Andrea Brillantes, at ang iWantTFC youth series na “Teen Clash” nina Markus Paterson, Jayda Avanzado, at Aljon Mendoza.

Magbabalik rin ang hit reality singing contest na “The Voice Kids” para sa bagong season nito kasama si coach Bamboo at mga bagong coach na sina KZ Tandingan at Martin Nievera. May bagong season rin ang  “I Can See Your Voice” kasama si Luis Manzano bilang host.

Ipagdiriwang din ng ABS-CBN ang ika-60 taon sa industriya ni Star for all Seasons Vilma Santos sa pamamagitan ng mga espesyal at eksklusibong palabas kabilang na ang one-on-one interview nito kasama si Boy Abunda.

Patuloy ang kasiyahan dahil nakatakda ring ipalabas ang Miss Universe 2023, live mula sa US sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa Enero 15.

Handog rin ng ABS-CBN Films ang isang bagong pelikula na  “Love on a Budget,” kung saan bibida sina Carlo Aquino at Metro Manila Film Festival 2020 Best Actress na si Charlie Dizon, habang ang pinakaaabangang international series na “Cattleya Killer” na pinagbibidahan ni Arjo Atayde ay mapapanood na rin sa 2023.

Nagpahayag ng kasiyahan ang netizens para sa mga bagong palabas at proyekto. Dahil rito, nanguna ang hashtag na #ABSCBNChristmasSpecial2022 sa mga trending topics ng Twitter noong Sabado at Linggo.

Pinuri ng netizen na si CM Tayor Pahang III ang ABS-CBN dahil sa iba’t ibang handog nito. “Talaga bang wala kayong franchise? Hehehehe… Dami ng show ah. The best. Kapamilya Forever,” komento niya.

Sabik na rin ang isa pang netizen na si Kim Co sa bagong shows ng ABS-CBN. Aniya,  “As a #KapamilyaForever, nae-excite ako sa lahat pero inaabangan ko talaga in the 1st quarter of the upcoming year is yung Dirty Linen. I’m sure that a lot of people will find this interesting. Can’t wait!!!”

Panoorin ang mga highlight ng two-part ABS-CBN Christmas Special sa ABS-CBN Entertainment website, Facebook at YouTube account, at iWantTFC.

Kabayan goodbye na sa mga programa sa ABS-CBN, tatakbong senador sa 2022

Kabayan atras na sa pagtakbo, nagdasal sa Poong Nazareno: Nagkaroon ng pagbabago ang aking plano

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Kabayan may problema sa kalusugan kaya biglang atras sa Eleksyon 2022?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending