Noli de Castro inaming may journalists na may political leanings
AMINADO ang dating bise presidente at mamamahayag na si Noli de Castro na may mga broadcaster na mayroong political leanings.
Para sa mga hind aware, ang political leanings ay nagkakahulugang pagkakaroon ng sariling opinyon, paniniwala sa usaping politikal na maaring makaapekto o makaimpluwensiya sa ibang tao.
Nitong Martes, April 8, dumalo si Noli bilang isa sa mga resource person sa House Tri-Comfoam hearing para sa cybercrimes at fake news.
“Sa inyong karanasan, mayroon na ba kayong na-encounter ng isang kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na hindi tumalima sa inyong code of ethics and standards?” tanong ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman sa kanya.
Baka Bet Mo: Noli de Castro: Itutuwid natin ‘yung mga fake news
View this post on Instagram
Sagot ni Noli, “Unang-una ho, hindi na kinakailangang dumaan sa KBP kapag may gano’n, ‘yong mismong station ang nagdi-discipline sa kaniya tungkol d’yan.
Pagpapatuloy niya, “Inaamin ko rin naman na may mga brodkaster na may mga political leanings. Lalo na ngayon malapit na ang eleksyon.”
Kaya naman aminado si Noli na may mga mamamahayag ngayon na nagagamit ng ilang mga tumatakbo.
“So, mayroon ding brodkaster ang nagagamit ng ilang mga kandidato for monetary reason,” sabi pa ni Kabayan.
Panibagong tanong ni Roman kay Noli, kung “kakuntsaba” ba ng isang radio station ang politiko, ina-apply pa ba ang code of ethics at ang standards ng KBP.
“‘Yon lang. Baka ho mamaya ay utos din ng istasyon… Meron dapat po magreklamo ang isang kandidato sa KBP,” sambit naman ng Kapamilya broadcaster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.