Abante tinawag na ‘tanga’ ang ilang vloggers

Abante tinawag na ‘tanga’ ang ilang vloggers: Don’t just write whatever you want!

Pauline del Rosario - March 22, 2025 - 09:48 AM

Abante tinawag na ‘tanga’ ang ilang vloggers: Don’t just write whatever you want!

Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., vlogger MJ Quiambao-Reyes

BINANATAN ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. ang ilang vloggers na umano’y pinapalabas na tanga ang mga mambabatas. 

Buwelta niya, ang mga social media personalities na ito ang “stupid” dahil nagsusulat sila nang hindi nag-iisip.

Sa pagdinig ng tri-committee ng House of Representatives, kinuwestiyon ni Abante ang vlogger na si MJ Quiambao-Reyes dahil sa kanyang pahayag na walang naganap na extrajudicial killings (EJKs) noong war on drugs ng administrasyong Duterte.

Pinuna rin ni Abante si Reyes sa kanyang sinabi na maraming opisyal sa gobyerno ang bahagi ng “criminal forces” at “stupid.”

“Thank you very much for saying that the post has nothing to do with me, but the criminal forces that you are referring to, they claim that we are part of it. Please think deeply, this is so hard Mr. Chair, some of these bloggers are really stupid,” sey ni Abante sa ulat ng INQUIRER.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Dagdag niya, “It’s the government who is stupid? Think better, don’t just write whatever you want to write. You’re telling us that we are criminal forces, I want to say now publicly, you (Reyes) are stupid.”

Dahil dito, agad na nagmosyon si Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na burahin ang pahayag ni Abante mula sa record.

“Mr. Chairman, just a matter of protocol, may I move to strike out the statement of Chairman Abante, addressed to MJ [Reyes],” saad ni Paduano na agad inaprubahan ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel matapos may mag-second motion.

Ipinaliwanag ni Abante na kaya siya sumabog at nagsalita ng masama ay dahil hindi maipaliwanag ni Reyes kung saan niya nakuha ang kanyang paratang na ang ilang mambabatas ay bahagi ng isang criminal group.

Sa puntong ito, umiiyak na si Reyes.

“I rest Mr. Chair and thank you so much, I’m not angry at you MJ, we’re just ferreting the truth here,” sambit ni  Abante.

Sagot ng vlogger, “Okay your Honor but again, I don’t understand where you are getting the idea that you are part of the criminal forces.”

Giit ng mambabatas, “But you’re the one who wrote it. My goodness.”

Bago pa ang sagutang ito, pinuna na nina Abante at Paduano si Reyes dahil sa kanyang pahayag na “hoax” lang umano ang EJKs, lalo na’t wala siyang naipakitang ebidensya para patunayan ito.

Ayon kay Abante, bukod sa Commission on Human Rights, pinatunayan din ng kanyang komite, ang House committee on human rights, na may mga biktima ng war on drugs at posibleng EJKs.

Sa huli, inamin ng vlogger na wala siyang dokumento para patunayan na “hoax” ang EJKs.

Ang tri-committee ay inatasan na imbestigahan ang pagkalat ng disinformation online matapos maghain ng ilang resolusyon at privilege speeches tungkol dito.

Isa sa mga nagbigay ng privilege speech ay si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers matapos kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanya at iba pang chairman ng quad committee na nag-imbestiga sa drug war ng Duterte administration.

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga Pinoy ay madaling mabiktima ng misinformation at disinformation, lalo na’t isa tayo sa mga pinakamaraming gumagamit ng social media at internet.

Kamakailan lang, nanawagan ang ilang mambabatas laban sa fake news na kumakalat sa social media matapos ang pag-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa na riyan ‘yung nagsasabing natanggap na ng Korte Suprema ang isang petisyon na may 16 million signatures na humihiling na bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pero ayon sa tagapagsalita ng SC na si Camille Ting, wala silang natanggap at hindi sila naglabas ng ganoong dokumento.

Ayon pa sa Supreme Court, ang naturang pekeng dokumento ay ipinakalat ng mga Facebook accounts na “Choose Libungan” at “Bernard Flores Maicon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangako rin ang Korte Suprema na iimbestigahan ang mga ganitong uri ng disinformation at magsasagawa ng mga kinakailangang hakbang, kabilang ang pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga responsable.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending