Cristy Fermin naimbyerna sa 'pakulo' nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo | Bandera

Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Therese Arceo |May 19,2023
facebook
share this

Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Therese Arceo - May 19, 2023 - 07:42 PM

Cristy Fermin naimbyerna sa 'pakulo' nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

TILA nairita na ang kolumnistang si Cristy Fermin sa diumano’y pang-iingay nina Moira dela Torre at Jason Hernandez.

Lately kasi ay trending ang mga ito matapos kumalat ang chikang muli silang magkabalikan matapos ang halos isang taon nang paghihiwalay noong May 2022.

Sa latest episode ng YouTube vlog ni Cristy na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendel Alvarez, napag-usapan nila ang estranged couple.

Ito ay may kinalaman sa pagpo-post ni Jason ng larawan kasama ang “mystery girl” na sinasabi ng mga netizens na si Moira raw dahil sa pagkakahawig ng singsing at ng bracelet.

Binalikan pa nga noon nina Cristy na nauna raw noong nag-post si Moira ng larawan kung saan kuha mula sa kanyang likod habang may kasamang lalaki.

May mga nag-akalang si Jason ito at nagbalikan na sila na agad namang pinabulaanan ni Moira.

Naiinis na sabi ni Cristy, “Bulok na bulok ang ginagawa ninyong pagpapapansin. Nakakainis lang, ginagawa n’yong tanga ang publiko.

Ginagawa n’yong tanga ang mga bashers ninyo at lalong ginawa n’yong tanga ang sarili ninyo.”

Baka Bet Mo: Alden pinagsabihan ang handler na sinisisi kung bakit siya nanenega, sey ni Cristy Fermin: ‘Dapat linawin kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho’

Hinamon pa nga niya ang dalawa na ipakita sa publiko kubg sino ang mga kasama nito at hindi puro paintrigang larawan ang ibinabandera nito sa social media.

“Face reveal ng hindi kayo nanggugulo ng mga nananahimik. At kung gusto n’yo maging relevant, ipakita ninyo kung sino ‘yang mga kasama ninyo,” hirit pa ni Cristy.

Sapantaha niya, baka raw may bagong kanta na namang iri-release ang dalawa kaya nag-iingay ang mga ito.

“Alam mo may mga ganiyang tao talaga na parang nasa gitna sila ng entablado para mapag-usapan, para maging relevant. Bakit ang laki-laki ng promo ng social media ah?” sabi pa ni Cristy.

“Puwede. Hindi na nga kayo nag-uusap. Ni wala kayong [maayos na] komunikasyon tapos nagdrama pa kayo ng mga ganyan,” hirit pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

Jason Hernandez sa mga parinig daw ni Moira: ‘Tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako…I deserve it’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending