Alden pinagsabihan ang handler na sinisisi kung bakit siya nanenega, sey ni Cristy Fermin: 'Dapat linawin kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho' | Bandera

Alden pinagsabihan ang handler na sinisisi kung bakit siya nanenega, sey ni Cristy Fermin: ‘Dapat linawin kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho’

Reggee Bonoan |May 16,2023
facebook
share this

Alden pinagsabihan ang handler na sinisisi kung bakit siya nanenega, sey ni Cristy Fermin: ‘Dapat linawin kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho’

Reggee Bonoan - May 16, 2023 - 09:37 PM

Alden pinagsabihan ang handler na sinisisi kung bakit siya nanenega, sey ni Cristy Fermin: 'Dapat linawin kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho'

PINANGALANAN na ni Nanay Cristy Fermin ang taong itinuturong dahilan kung bakit nanenega ang aktor na si Alden Richards. Ang name nito ay Sam na senior artist handler daw ng GMA Sparkle.

Ipinangako ni Nay Cristy Fermin sa vlog nilang “Showbiz Now Na” kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika na babanggitin nila ang pangalan ni Sam kapag nakausap na nila si Alden para humingi ng go signal.

Muling naging negatibo ang imahe ni Alden sa huling mediacon nito para sa isang produkto na gusto siyang makausap ng press people pero hinawi-hawi ng mga marshall ang mga ito.

Kanya-kanyang opinyon na ang naglabasan na may basbas daw ang aktor sa paghawi sa mga miyembro ng media dahil hindi naman daw maglalakas ng loob ang marshalls kung walang ibinilin sa kanila.

May nagsabi namang hindi raw si Alden ang may utos kundi ang taong nasa paligid niya at ang itinuturo umano ay si Sam.

Hanggang sa naglitawan na ang ibang insidente pa na base sa kuwento ni ‘Nay Cristy ay ang nasabing handler din ang dahilan kung bakit nale-late si Alden sa series nila ni Bea Alonzo na “Start-Up PH” na umere ng tatlong buwan (September hanggang December, 2022).

Anyway, ang tsika ay pinaghihintay daw ni Alden ang co-stars niya sa “Start-Up PH” dahilan kaya nairita umano si Bea. Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na natuloy ang pelikulang pagsasamahan sana nila.

May nabanggit pa ang “SNN” host na hindi rin puwedeng maistorbo si Alden dahil natutulog ito at bilin daw ng handler nitong si Sam.

At may isa pang insidente na sa isang pictorial shoot ni Alden para sa isang TVC ay pinalabas daw ng handler niya ang ibang taong naroon bagay na kumalat din sa social media.

Laging si Sam ang dahilan kaya maraming nagagalit kay Alden na press people, production people na nakakatrabaho nila sa endorsement shoots.

Malapit sa puso ni ‘Nay Cristy si Alden dahil saksi siya kung gaano kabuti ang puso ng aktor at mapagmahal talaga ito sa pamilya niya kaya nasasaktan siya sa mga nababasa at naririnig niyang negatibong kuwento tungkol sa aktor.

Kuwento pa ni ‘Nay Cristy, hinintay niyang matapos ang shooting ni Alden kasama si Julia Montes sa Singapore para sa pelikulang “Five Break-Ups and A Romance” mula sa panulat at direksyon ni Irene Emma Villamor para alamin kung ano talaga ang papel ni Sam sa aktor.

Sa kaa-upload na “Showbiz Now Na” episode ngayong hapon ay nakausap na ni ‘Nay Cristy si Alden at inaming si Sam nga ay handler niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Baka Bet Mo: Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa ‘Eat Bulaga’, super grateful sa programa

“Si Sam daw po ay handler niya at nagmamaneho rin para sa kanya. Kapag handler alam po namin ang ibig sabihin niyan dahil dati maraming handlers na nagiging nega sa karera ng mga artista.

“Kapag may lumapit na tagahanga ay boblokehan, haharangan, ilalayo ang artista para po sa ating mga kababayan lalo na po sa mga humahanga sa mga paborito nilang artista, napakalaki pong sakit no’n.

“Nandoon ka na nga para sumuporta, ilalayo sa ‘yo ‘yung paborito mo natural ang nagiging nega ‘yung artista hindi ‘yung humaharang.

“Kaya dito po sa pagkakataong ito kay Alden mabuti po na nilinaw niya. May importante siyang sinabi, ‘pero pinagsasabihan ko po si Sam.’

“Sige granting na pinagsasabihan ng do’s and dont’s kung makasisira ito, ito hindi maganda dapat din sigurong linawin ni Alden kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho ni Sam para sa kanya.

“Meron talagang mga tao na binigyan mo ng maliit na kapasidad na manghimasok sa buhay mo pero lumalabis,” paliwanag ni ‘Nay Cristy.

Sang-ayon din sina Romel Chika at Wendell na kapag binigyan ng isang salop ay gusto pa ng isang kaban.

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, “Siguro raw po ay nami-misinterpret lang itong si Sam.  Ang misinterpretation kasi sa isa, dalawa, ikatlong pagkakataon passable pa ‘yan.

“Pero kapag marami na po talagang nagsasabi at nagrereklamo at tinutukoy ang ‘pakikialam’ nitong si Sam merong mali sa kanila. At nagpapasalamat si Alden sa atin dahil napakalaking bagay daw na nandito tayo (SNN) para balansehin ang bawa’t issue,” sabi pa.

Sabi naman ni Romel Chika, “Alam mo ‘Nay mapapanood ito ni Alden at gagawa ng gagawa ng (paraan) sa ‘yo kasi isang tawag lang niya dahil madali kang maabot ni Walden.”

Samantala, napag-usapan din ang dating kasama ni Alden na si Tenten na hindi pa siya Alden Richards ay kasama na niya ito at sabi ng aktor kay ‘Nay Cristy.

“Nagpaalam at magpapahinga muna kasi alam naman nating nagkasakit kaya maaari po na humingi naman ng pahintulot si Tenten na kung puwedeng siya muna ay makapagpahinga at iiwan na lang muna niya kay Sam ‘yung trabaho bilang handler ni Alden,” say ni Nanay Cristy.

Muling inulit na pinagsasabihan ni Alden si Sam lagi bilang handler niya.

Kaya ang sabi ni ‘Nay Cristy, “Alam na siguro ngayon ni Sam na hindi siya si Alden Richards! Meron kasi minsan may mga taong medyo sikat ang kanilang pinagseserbisyuhan akala nila sila na rin ‘yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Sam at ni Alden tungkol dito.

Related Chika:
Bea Alonzo, Alden Richards hindi natuloy ang movie project, sino kaya ang may ‘attitude’?

Alden Richards nagsalita na sa isyu nila ni Maine Mendoza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending