Bea Alonzo, Alden Richards hindi natuloy ang movie project, sino kaya ang may 'attitude'? | Bandera

Bea Alonzo, Alden Richards hindi natuloy ang movie project, sino kaya ang may ‘attitude’?

Therese Arceo |April 26,2023
facebook
share this

Bea Alonzo, Alden Richards hindi natuloy ang movie project, sino kaya ang may ‘attitude’?

Therese Arceo - April 26, 2023 - 09:18 PM

Bea Alonzo, Alden Richards hindi natuloy ang movie project, sino kaya ang may 'attitude'?

TRULILI kaya ang kumakalat na chichi na kaya hindi natuloy ang pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards ay dahil mayroong hindi mapagkasunduan?

Ito rin kasi ang nakarating sa kolumnistang si Cristy Fermin nang pag-usapan nila ang dalawang Kapuso stars sa kanilang “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bungad ng kolumnista, “Uy, nagkaroon ba ng problema sina Alden Richards at Bea Alonzo towards the end ng kanilang serye?”

Matatandaang una nang napag-usapan noon ang pagbida nila sa Philippine adaptation ng South Korean movie na “A Moment To Remember” bago pa ang opisyal na paglipat ng dalaga sa GMA-7 Network.

Nagsimula kasi ang mga chikang ito nang may lumabas na mga blind items kung saan may dalawang kilalang personalidad na ayaw nang makatrabaho ang isa’t isa at marami ngang naghinuha na baka sina Bea at Alden ang pinatutungkulan ng mga ito.

At ngayon nga ay ipinapareha na ang aktor sa Kapamilya actress na si Julia Montes at magsasama sila sa pelikulang “Five Break-Ups and a Romance” sa direksyon ni Irene Villamor.

“May mga nagbanggit na kaya raw po hindi natuloy yung proyekto ng GMA kina Bea at Alden ay dahil nagkaroon ng problema… ugali raw ang dahilan, attitude ano? Kaya raw ang natuloy, Julia Montes at saka Alden Richard,” saad ni Cristy.

Pagpapatuloy niya, “Hindi pa nga tampuhan ang ginamit na termino kundi ‘There must be an attitude or behavioral problem. Kanino kaya? Sino kaya sa kanilang dalawa ang nagkaroon daw ng attitude na hindi maganda?”

Baka Bet Mo: Tambalang Alden-Bea ipinagtanggol ng fans sa mga bashers: ‘Kilig to the bones at super perfect tandem

Tinanong pa nga ng kolumnista ang kanyang mga kasama kung sino sa palagay ng mga ito ang may attitude at unang sumagot si Wendell.

“Palagay ko si Bea… kasi, kilala naman natin may dugo siyang foreigner ‘di ba, alam mo naman kung minsan, kung may dugo kang ibang lahi, parang lumalabas sa dugo mo ‘yan, kung ano yung pinakaugali nila doon, lumalabas,” sagot nito.

Pero pakiramdam ni Cristy ay fake news ito at alibi lang sa totoong dahilan kung bakit nga ba hindi natuloy ang proyekto.

Dahil base sa kanyang personal na pagkakakilala ay parehong mabait at magaling makisama sina Bea at Alden.

Natanong pa nga niya kung may naramdaman ang mga kasama na may mali habang pinapanood ang “Start Up” at sinabing wala naman ngunit baka raw dahil artista ay umaarte na lang ang mga to kaya hindi napapansin.

“Anong magiging problema kay Bea? Napaka diretsong tao. Si Alden naman, ang sweetness ni Alden kalat na kalat, yung pakikisama niya sa mga taga produksyon.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Alden may bonggang paandar kay Bea: Kapag sinasabi ko sa kanya ‘yun, naiinis siya sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending