Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan | Bandera

Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Therese Arceo |September 29,2022
facebook
share this

Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Therese Arceo - September 29, 2022 - 08:51 PM

Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan
MUKHANG wala talagang balak ang talent manager na si Lolit Solis ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Bida na naman kasi ang dalaga sa isa sa kanyang mga Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 28.

Nanghihinayang nga si Manay Lolit dahil hindi raw masyadong tinanggap si Bea dahil mukhang mas matanda raw ito sa kaparehang si Alden Richards.

Chika pa niya, baka daw muli na namang kumonsulta sa mga abogado ang team ng aktres kapag sinabi niya na dapat daw kasi ay mas bata ang ipinareha sa aktor.

“Baka mag consult a lawyer na naman ang team Bea Alonzo pag sabihin ko na kasi naman dapat talaga mas bata ang partner ni Alden Richards, mga youngstars tulad nila Ysabel Ortega o Jillian Ward dahil Start Up, bagong graduate sa college na naghahanap ng trabaho,” lahad ni Manay Lolit.

Aniya, mukha raw tiyahin si Bea kaya raw mas maganda kung si Yasmien Kurdi a lang raw ang inilagay sa role dahil umano’y kitang kita raw na mukhang haggard ang dating Kapamilya actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Hirit pa ni Manay Lolit, “Puwede kaya i consult sa lawyer kung paano mapapabata ang mukha ni Bea Alonzo? Sayang iyon Start Up PH kasi ang ganda sana ng project, bagay na bagay kay Alden Richards na ang guwapo at fresh na fresh tignan.”

Sey pa ng talent manager, kung hindi raw siguro si Bea ang naging ka-partner ni Alden ay baka raw naging bonggang bongga ang resulta ng Philippine adaptation ng Korean series na “Start Up”

Dagdag pa ni Manay Lolit, “Baka mas mataas rating at lalong dadami everyday dahil maganda ang pagkakagawa.”

Muli na maman siyang nagpasaring sa diumano’y pagpapa-consult ng aktres sa abogado nito at muli na namang binalikan ang matagal na niyang hinaing sa aktres.

“Dapat consult a lawyer si Bea Alonzo para malaman why o why kailangan magpa cancel siya ng mga reporters sa kanyang presscon eh wala naman pala star power ang kanyang haggard beauty,” lahad ni Manay Lolit.

“Ang yabang ng dating na magpa cancel ng mga writers sa presscon eh hindi naman nag rate program niya na pati si Alden Richards nadamay sa jinx na dala ng team Bea,” dagdag pa niya.

Sambit pa ng kolumnista, nawa’y magsilbi raw itong eye opener sa lahat ng mga artistang magpa-power play at tignan muna raw ang kakayahan bago ito mag-demand.

“‘Pag wala naman star power, dapat mabait noh, huwag maarte. May pa cancel at consult a lawyer pang nalalaman,” banat pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit ayaw tantanan si Bea: Ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending