Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling 'super mega star of all seasons' | Bandera

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Therese Arceo |June 24,2022
facebook
share this

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Therese Arceo - June 24, 2022 - 03:13 PM

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling 'super mega star of all seasons'
MUKHANG hindi pa rin tapos ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa kanyang mga patutsada sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Lately kasi ay laman na naman ang aktres ng Instagram ng kolumnista bagay na napansin agad ng mga netizens.

“Anniversary ng GMA7 Salve at Gorgy. Invited tayong 3 pero naisip ko, baka i request ni Bea Alonzo na i cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7,” panimula ni Manay Lolit.

Aniya, mukhang balak raw agawin ng dating Kapamilya star ang trono ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at unahan ang actress-model-vlogger na si Heart Evangelista.

Inunahan na rin ni Manay Lolit si Bea dahil baka sakaling mag-“power play” raw ito at sabihing hindi siya pupunta kung aattend ang talent manager.

 

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“Ngayon pa lang Bea Alonzo gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta, kaya punta ka na, maaga pa make up para matakpan mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng mga young stars.At please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura,” sey ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Naku Bea iyan power play mo na nagpapa cancel ng invited writers sa presscon luma ng style ng mga nalaos at walang career na artista.”

Marahil ay hindi pa rin ito nakaka-move on sa pagtanggal sa kanya ng aktres sa isang presscon kaya nabanggit niyang muli ang pagpa-powertrip diumano ng aktres.

“Sana ikaw ang nagbayad ng presscon para mapili mo mga invited guests. Pero iyon hindi ka naman gumasta, tapos feeling high and mighty ka na mag aalis ng writers, bongga!Feeling super mega star of all season, tignan muna mga wrinkles, at tignan ang level ng career bago mag feeling superstar,” hirit pa ni Manay Lolit.

Iginiiti niya rin na sayang ang beauty kung mukha lamg ang maganda pero kulay itom ang puso.

“Akala pa naman namin, sweet ang face, kaya sweet din ang ugali. Puwede palang sweet and sour ang isang tao. Sayang, akala namin dahil mabait si Bea Binene, ganuon lahat ng Bea, mali pala kami.

“Hay Gorgy at Salve, kay Bea Binene na lang tayo, iyon ibang Bea baka i cancel tayo,” hirit pa ni Manay Lolit.

 

Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Lolit nabigla sa akusasyon ni Carla kay Tom: Hope for the best na lang tayo para sa dalawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending