Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson | Bandera

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Therese Arceo |March 23,2022
facebook
share this

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Therese Arceo - March 23, 2022 - 05:30 PM

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson
MUKHANG malalim ang hugot ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis laban sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Ito ay matapos diumano’y ipatanggal ng aktres ang pangalan ng talent manager sa listahan ng mga guests sa press event ng ineendorso nitong beauty brand.

Sa kanyang Instagram account ay naglabas siya ng pahayag ukol sa ginawa ni Bea at ng manager nitong si Shirley Kuan.

“Hanga ako sa bait at PR ni Rhea Tan ng Beautederm, Salve. Alam ko na naging malaking problema sa kanya nang i-request nila Bea Alonzo at Shirley Kuan na ipa cancel tayong 3 nila Gorgy sa presscon. Siguro nga naloka din si Chuck Gomez dahil ngayon lang siya naka-encounter ng endorser nila na nakialam sa listahan ng invited press,” umpisa ni Manay Lolit.

Aniya, tila nag-iilusyon daw ang aktres na maimpluwenya at makapangyarihan siya sa ginawang pag-alis nito ng pangalan ng entertainment writer sa guest list.

Pagpapatuloy ni Manay Lolit, “Bongga talaga na pagbigyan ang ilusyon ni Bea na very influential at powerful siya, hah hah, at least magkaruon siya ng illusion of grandeur kahit isang araw lang.”

Hiling pa nga niya na sana ay mag-top ang mga shows na gagawin niya at magkaroon ng matataas na rating.

Dagdag pa ni Manay Lolit, “Sana nga maging highest top rating show ang magawa niya, highest kita sa takilya pag nagkaruon siya ng movie, at maging reyna siya ng istasyon pag pasok niya.

“Sana nga walang mga secrets sa closet na baka lumabas, or mga bagay na dapat nakatago pero baka bigla bumulaga.”

Napa-throwback pa nga si Manay Lolit sa nagdaang relasyon ni Bea sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Hirit niya, “Sabagay dapat din siguro na intindihin namin nila Gorgy at Salve na napakasakit para sa isang Bea Alonzo na maghosting ng isang Gerald Anderson, ipagpalit sa mas bata at magandang Julia Barretto.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

 

Sa huli ay hiniling na lang ni Manay Lolit na sa dinami-rami ng mga endorsers ay sana huwag maging powertripper at hindi maging plastic ang mga susunod pang magiging ambassador ng naturang beauty brand.

Samantala, tila deadma lang naman ang aktres na si Bea sa mga ibinato sa kanya ng talent manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan ay nag-post pa ito sa kanyang Instagram ng mga larawan niya na kuha noong nasa Madrid siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Related Chika:
Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila
Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending