Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila | Bandera

Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila

Therese Arceo |November 11,2021
facebook
share this

Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila

Therese Arceo - November 11, 2021 - 10:15 AM

Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila

VIRAL ngayon ang Unkabogable Star Vice Ganda matapos ang video nito kung saan kinukumusta niya ang kanyang mga bashers kaya naman hindi napigilan ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang mag-react.

Nitong Lunes nga ay nagbalik nang muli si Vice Ganda mula sa kanyang naging successful concert sa America.

Base sa video na inilabas ni Vice ay ikinumpara nito ang sariling achievement sa mga bashers.

Aniya, nang i-check raw niya ang kanyang bank account ay mas yumaman siya. Bukod pa rito ay nabanggit rin nito ang pagiging masaya dahil may dyowa siya, malusog ang kanyang ina at may mga bago siyang awards.

Tila hindi naman nagustuhan ng madlang pipol ang pagiging mayaman ni Vice at mas lalo pa nilang binatikos ang komedyante.

Saad ng netizens, hindi daw dapat magyabang si Vice dahil kung wala ang mga madlang pipol ay paniguradong hindi papatok si Vice at hindi niya matatamasa ang mga yaman na ipinagmamalaki nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Nasa limelight ngayon si Vice Ganda, Salve. Dahil pinatulan niya ang mga bashers, hayun ngayon at lalo siyang kinuyog. Kasi nga sa tutoo lang talagang nakakapikon kung minsan lalo na pag mga hindi magandang salita ang ginagamit nila.

“Pero iyon iba, actually may matututunan ka rin. Pero talagang dapat hindi mo seryosohin. Pag napikon ka, ikaw ang affected. Pag nadala ka ng emosyon, iyan na, matatalo ka na.m,” umpisa ni Manay Lolit.

Aniya, kahit siya ay nasasaktan kapag nakakarinig ng pangbabash sa kanya kahit pa laking squatter area siya at sanay siyang makarinig ng masasamang salita.

“Laking squatter area ako, sanay ako sa masamang salita, pero siyempre you grow up adjust to your new environment, kaya masakit narin sa tainga makarinig ng mga ganuon salita.

“Hayaan mong pumutak sila, meaning anduon parin sila sa pangit na puwesto ng buhay. Maawa ka na lang sa kanila. Dahil di pa sila nakakaahon,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, tignan na lang sana ni Vice ang brighter side ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“See the bright side. Ang sarap ng buhay, at ikaw lang ang puwede magpaganda nito. Hindi puwede idikta ng iba ang buhay mo, ikaw lang ang master of your fate.

“Bahala na sila Gorgy at Salve sa mga bashers, sila mga frontliners ko, bongga di bah!!” sey pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Lolit Solis hiniling na sana’y mapatawad ni LJ si Paolo
Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending