Lolit Solis hiniling na sana'y mapatawad ni LJ si Paolo | Bandera

Lolit Solis hiniling na sana’y mapatawad ni LJ si Paolo

Therese Arceo |September 09,2021
facebook
share this

Lolit Solis hiniling na sana’y mapatawad ni LJ si Paolo

Therese Arceo - September 09, 2021 - 05:37 PM

MATAPOS ang mahabang pananahimik ay nagsalita na ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa pamamagitang ng Instagram post ukol sa kanilang paghihiwalay ni LJ Reyes.

Nilinaw na nito ang lahat ng mga akusasyon na nagsilabasan matapos ang pag-unfollow at pag-delete niya ng photos nila together ni LJ na nakasama niya sa loob ng anim na taon.

Nilinaw rin nito na hindi sanhi ng kanilang paghihiwalay ang leading lady nito sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos.

Ayon sa kaniyang Instagram account ay inaya lamang niya ang aktres para may makausap habang nasa Baguio ito at dinaluhan lamang siya ng aktres bilang kaibigan.

Mukha ngang mas nadiin pa sa isyu ang dalawa matapos ang kanyang inilabas na statement dahil hindi naniniwala ang madlang pipol at idagdag mo pa ang mga netizens from Baguio na saksi mismo sa naging ganap raw ng dalawa.

Gayunpaman, umaasa ang talent manager ng aktor na si Lolit Solis na sana ay mapatawad na ang aktor sa mga kasalanang nagawa nito.

Sa kaniyang IG post ay ibinahagi nito ang naging saloobin niya matapos mabasa ang post ng alaga.

“Dahil siguro birthday ni Mama Mary kahapon kaya inspired humingi ng apology mga tao sa pagkakamali nila. Daanin ko na lang sa smile iyon apology nila Papa Digong at Paolo Contis,” umpisa ni Manay Lolit.

“Sana nga tanggapin ng mga taong palagay nila ay affected ng mga pangyayari. Ang dami ng drama ng buhay natin, huwag na natin dagdagan pa,” pagpapatuloy nito.

Hindi man direkta ngunit sigurado namang si LJ ang pinatutungkulan niya rito, na sana ay tanggapin nito ang apology ng dating karelasyon.

Admitted naman daw na may kakulangan na nagawa kaya hayaan na lang daw ang langit na magpasya sa ginawa ng mga nagkasala.

“Now, kung ayaw nyo parin tanggapin,ok narin, tuloy lang ang buhay. It will not stop your life, as well as it won’t stop theirs,” dagdag pa niya.

“Hay naku, kaya siguro ulan ng ulan, para narin luha na hindi humihinto. Salve at Gorgy, ingat sa baha, madulas ang daan, parang buhay, dahil madulas, puwede ka madapa. Kaya dapat mo gawin, bangon lang, tibayan na lang ang loob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Saad pa niya, kaya raw siguro panay ang ulan ay para raw itong luha na hindi humihinto at pinag-ingat pa ang mga admin nito dahil madulas raw ang daan. Hinalintulad niya rin ito sa buhay na maari kang madapa ngunit ang dapt raw gawin ay bumangon ay tibayan ang loob.

Anyway, panahon lang ang makapagdidikta at si LJ lang ang makakapagsabi kung kailan at kung paano niya mapapatawad ang aktor dahil sila naman ang nagkasama ng anim na taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending