Lolit nabigla sa akusasyon ni Carla kay Tom: Hope for the best na lang tayo para sa dalawa
NAGLABAS ng opinyon ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ukol sa relasyon ng dalawang Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Kahapon ay agad na nag-trending ang aktres matapos nitong basagin ang kayang katahimikan ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ng asawa sa pamamagitan ng pagsagot sa isang comment sa isang YouTube vlog.
“Nauwi sa ugly word war ang hiwalayan nila Tom Rodriguez at Carla Abellana, Salve,” panimula ni Manay Lolit.
Aniya, bongga raw ang mga pasabog ng Kapuso actress ukol sa relasyon nila ng kanyang asawa.
“Hindi mo aakalain na ganuon ka grabe pala ang naging experience niya sa pagsasama nila. Iyon emotional abuse na sinasabi niya, hindi mo aakalain magagawa ni Tom,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.
Nanghihinayang rin ang kolumnista dahil maganda sana kung naging tahimik ang bawat kampo lalo na at active ngayon ang kanilang career sa showbiz
“Hindi mo ngayon ma-imagine na tignan sa ibang image si Tom after ng reveal ni Carla,” dagdag pa ni Manay Lolit.
Dagdag pa niya, “Ang ganda pa naman na aakalain mo na perfect gentleman si Tom pero now, para na siyang isang cheating man.
“Sabi nga, hell has no fury like a woman scorned, kaya siguro naging tutoo sa kanyang reveal si Carla.”
Sey pa ni Manay Lolit, “Well, nandiyan na, kaya hope for the best na lang tayo para sa dalawa. Move on na.”
View this post on Instagram
Unang kumalat ang balitang nagkakaroon ng problema sa pagsasama nina Carla at Tom noong Enero 2022, tatlong buwan matapos silang ikasal nang mamataan ng netizens na tila hindi na suot ni Carla ang kanyang wedding ring.
Oktuber 2021 nang magdesisyong magpakasal ang dalawa matapos ang pitong taon nila pagsasama bilang mag-boyfriend at girlfriend.
Related Chika:
Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.