Rufa Mae Quinto umuwi na ng Pilipinas, sumuko sa NBI
SINALUBONG ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Rufa Mae Quinto pagkarating nito ng Pilipinas kaninang umaga, January 8.
Ito ay kaugnay sa kanyang hinaharap na kaso kasunod ang inihain na warrant of arrest na inilabas ng Pasay court.
Ayon sa inilabas na report ng “Balitanghali”, lumapag ang sinasakyang eroplano ni Rufa kaninang 5AM.
Base rin kay NBI chief Jimmy de Leon ay nakipag-coordinate ang abogado ng aktres sa kanilang panig para sa kanyang boluntaryong pagsuko.
Baka Bet Mo: Rufa Mae Quinto, Trevor Magallanes inaasikaso na ang divorce
View this post on Instagram
Sumailalim rin sa medico-legal examination si Rufa bago ito dinala sa Pasay court.
Para sa mga hindi aware, nahaharap sa kaso ang aktres kaugnay sa issue ng Dermacare, gaya ng dating aktres at entrepreneur na si Neri Naig.
Na-charge ang aktres ng 14 counts of violation of Section 8 of the Securities Regulation Code.
Ngunit paglilinaw ng abogado ni Rufa ay hindi ito nahaharap sa large-scale estafa complaint.
“She will face those charges… mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that.
“She’s worried kasi hindi naman totoo ‘yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser,” saad ng abogado ni Rufa Mae.
Dagdag pa nito, “Ni hindi sa kanya nakapagbayad ng downpayment, tapos ‘yung mga tseke po puro tumalbog. Lahat po ‘yan hawak naman po namin ‘yung ebidensya, ipe-present namin sa court.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.