Carla kay Tom: Sa lala ng sakit, pambabastos, pandudurog, panggagamit, pagtataksil, napakadaling ibalik sa kanya ang pagganti, pero... | Bandera

Carla kay Tom: Sa lala ng sakit, pambabastos, pandudurog, panggagamit, pagtataksil, napakadaling ibalik sa kanya ang pagganti, pero…

Ervin Santiago |June 16,2022
facebook
share this

Carla kay Tom: Sa lala ng sakit, pambabastos, pandudurog, panggagamit, pagtataksil, napakadaling ibalik sa kanya ang pagganti, pero…

Ervin Santiago - June 16, 2022 - 07:02 PM

Carla Abella at Tom Rodriguez

“SOBRA sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko!”

Yan ang napakalalim na hugot ng Kapuso actress na si Carla Abellana patungkol sa paghihiwalay nila ng estranged husband na si Tom Rodriguez.

Sa wakas, nagsalita na ang aktres hinggil sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Tom kung saan ibinuking niya ang paulit-ulit na panloloko at pambabastos sa kanya ng aktor.

Ayon sa Kapuso star, bukod sa pagsisinungaling sa kanya ng nakahiwalay na asawa, hiniya at pinagmukha siyang tanga ni Tom noong nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Sa comment section ng kanyang YouTube channel, sinabi ni Carla na tinraydor siya ng taong minahal niya. Ito’y matapos ngan siyang sitahin ng isang netizen tungkol sa pag-like niya sa isang Instagram post na may konek sa “cheating.”

“Kaya sguro nag post si tom kasi nagsawa na sya sa kahihintay na kausapin mo sya. Hindi po kayo magkaka peace of mind kung d kayo nag uusap mag asawa. Kung gusto mong maging masaya ka, mag-usap kayong mag-asawa, sabihin mo sa kanya lahat ng hinanakit mo. Hindi ‘yung dinedeadma mo siya,” sabi ng netizen.

Narito ang mahabang bwelta ni Carla, “Opo, nag-like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal. Ang taong lubos na nasaktan, hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang dun lang po, makakabangon din po ako balang araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


“Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo, at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko,” sabi ng aktres.

Aniya pa, “Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pagprotekta, lahat-lahat na.

“Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya,” ang hugot pa ng aktres.

Sabi pa niya, “Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat ‘yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po. Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot, at magpagaling dahil ‘yun din po ang gumana sa akin. Pero wala pa rin po.

“Tinanggap ko pa rin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos,” lahad ng aktres.

Ipinagdiinan pa niya na ibinigay na niya sa aktor ang lahat-lahat pero nagawa pa rin nitong lokohin siya,  “Sa dami po ng binigay ko kay Tom, wala na pong natira sa ‘kin. Galit, pride, at ego ko, siya na rin po ang kumuha sa ‘kin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon.

“Kahit po kung tutuusin, wala pa po ‘yung pag-like sa iilang comments na ‘yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya.

“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti. Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto. Hindi po ako mababaw.

“Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig, at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig, at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka-record.

“Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig, at nakikita po ninyo online, sa TV, etc…

“Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Tom hinggil sa mga rebelasyon ng kanyang nakahiwalay na asawa.
https://bandera.inquirer.net/291042/stephan-kay-kiray-gusto-ko-ikaw-ang-maging-dulo-at-katapusan-ko-mahal-na-mahal-kita-sobra-sobra-sobra

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294581/maymay-nakiusap-na-wag-na-silang-intrigahin-ni-donny-wala-pong-namamagitan-sa-aming-dalawa
https://bandera.inquirer.net/291042/stephan-kay-kiray-gusto-ko-ikaw-ang-maging-dulo-at-katapusan-ko-mahal-na-mahal-kita-sobra-sobra-sobra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending