Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana? | Bandera

Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana?

Therese Arceo |June 14,2022
facebook
share this

Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana?

Therese Arceo - June 14, 2022 - 05:32 PM

Tom Rodriguez ginigipit  nga ba ng kampo ni Carla Abellana?

MARAMING nang mga espekulasyon at haka-haka ang kumakalat sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Carla Abellana at Tom Rodriguez pero magpahanggang ngayon ay wala pa ring direktang kumpirmasyon kung bakit nga ba nag-split ang dalawa.

Ngunit ngayong araw ay muli na namang usap-usapan ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang dalawa matapos maging isa sa mga topic sa bagong upload ni Ogie Diaz ang celebrity couple.

“Ito pwedeng i-deny ni Carla at Tom. Ni-research ko kung ano ba talaga ang tunay na dahilan bakit sila nag-away. Kung bakit sila naghiwalay,” umpisa ni Mama O.

Base raw sa naging research at pagtatanong-tanong ng talent manager ay nag-ugat ang lahat nang may mabasa si Carla na mensahe ng isang babae kay Tom na tila pini-flirt ang kanyang asawa.

“Isang araw dumating na lang si Tom sa kanilang bahay at naloka siya na nasa labas na lahat ng gamit niya. Nakakaloka parang teleserye. Takang-taka raw si Tom, ‘Bakit nasa labas ng bahay namin ang gamit ko? Yung mga damit ko’,” pagpapatuloy niya.

Ang sumaklolo nga daw sa aktor ay ang kaibigan nito at nakasama sa reality show na “Pinoy Big Brother” na si Sam Milby dahil wala naman daw immediate family ang Kapuso star na naninirahan sa Pilipinas at di Carla lang ang itinuturing nitong pamilya.

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

“Nalaman na lamang daw nitong si Tom na ang dahilan pala ay may nabasa itong Carla na message kay Tom na mayroong nagpi-flirt na babae. Ito namang pagpi-flirt ng babae ay hindi masyadong binigyan ng pansin ni Tom pero mas pinansin ni Carla,” sey ni Ogie.

Noon pa man daw kasi ay binalaan na ng aktres ang asawa na huwag gagayahin ang ama nitong si Rey PJ Abellana na naging matinik sa babae noon at marahil nga ay may trauma na ang aktres sa ganitong isyu kaya ayaw niya itong mangyari sa kanilang samahan.

Marami raw sa mga kaibigan ni Tom ang nagtataka dahil hindi pa naman daw sigurado si Carla ukol sa nabasa at bintang pa lamang at agad na nitong tinapos ang kanilang relasyon.

Matatandaang pitong taong naging mag-boyfriend at girlfriend ang dalawa ng pitong taon bago ito nagdesisyon na magpakasal noong Oktubre 2021 at makalipas nga ng tatlong buwan ay kumalat na ang chismis ukol sa kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon ay nananatili raw sa Amerika si Tom at nakikituloy sa kanyang mga kaibigan.

“Ayon sa mga friends ni Tom sa Pilipinas, walang pera si Tom. Alam ni Carla na walang pera. Naghahagilap daw ng mga shows, raket pero may mga umaawat daw dahil nakiusap ang kampo ni Carla. Parang pinapatay ang career ni Tom,” chika pa ni Ogie.

Hindi daw niya sigurado kung tama ang balitang ito ngunit bukas naman siya kung sakaling i-deny ito ng kampo ng aktres.

At kahit raw ganito ang nangyayari sa relasyon ng dalawa ay nananatili pa rin ang pagmamahal ni Tom kay Carla at wala raw katotohanan ang kumakalat na balitang nambabae siya at nakabuntis. Hindi rin totoo ang isyu na siya ay parte ng LGBTQ+ community.

“Presently, si Tom ay hagilap pa rin ng show o kung sino ang makakapagsama sa kanya sa raket dito sa US para mabuhay dahil feeling niya wala na siyang babalikang career sa Pilipinas at yung gag order na ipinost ni Tom ang umaawat sa kanya para magsalita dahil tiyak na siya ay madedemanda,” dagdag pa ni Ogie.

Ito raw ang kwento namula sa kampo ni Tom.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Carla Abellana hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake na-trauma matapos barilin ng pulis ang kanyang sasakyan: Takot na takot siya sa nangyari!

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending