Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat | Bandera

Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Therese Arceo |June 06,2022
facebook
share this

Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Therese Arceo - June 06, 2022 - 03:13 PM

Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

LAMAN pa rin ng usap-usapan ng mga “Marites” ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez matapos ang muling pagbabalik nito sa social media.

Naging isa sa mga topic ng netizens ang aktor simula nang kumalat ang chika na hiwalay na sila ng asawang si Carla Abellana tatlong buwan matapos ang kanilang engrandeng kasal sa Batangas.

At kasabay nga ng muling pagiging aktibo ni Tom sa social media ay ang mga bulung-bulungan na tila naghahanda na ng mga papeles ang Kapuso actress para tuluyan nang mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Bagamat hiwalay na ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa kung ano nga ba ang naging ugat para magtapos ang kanilang matagal nang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

May mga kumalat noong balita na tila nagloko raw si Tom at nagkaroon daw ito ng ka-one night stand base na rin sa kwento ng ama ni Carla na si Rey PJ Abellana.

Mayroon ring mga kumukwestiyon sa tunay na seksuwalidad ng aktor bagay na pinabulaanan rin ng ama ng aktres.

At dahil nga sa mga kumakalat na maaring dahilan ng hiwalayan ay sinisisi ng netizens si Tom dahil sinaktan niya diumano ang asawa.

Isang netizen nga ang naglakas loob ma kwestiyunin ang aktor sa isa nitong post kung bakit “sinaktan” nito ang asawa.

“Why did you hurt @carlaangeline?” tanong ng netizen.

Sagot ni Tom, “There’s way more to the story… and plenty of hurt going around for everyone. Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

Wala naman nang sinabi pang ibang detalye ang aktor ukol sa isyu.

Mananatili namang bukas ang Bandera para sa pahayag ni Carla Abellana at Tom Rodriguez hinggil sa kontrobersyang kinakaharap.

Related Chika:
Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!

True ba, ang pagsabak ni Tom sa politika ang isa sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Carla?

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending