True ba, ang pagsabak ni Tom sa politika ang isa sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Carla?
Carla Abellana at Tom Rodriguez
TOTOO nga kaya ang kumakalat na chika ngayon na isa sa mga dahilan umano ng paghihiwalay ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay isyu sa politika?
Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng mag-asawa sa balitang naghiwalay na sila makalipas lamang ang halos tatlong buwang pagsasama as married couple.
Pero base sa pagla-like ni Carla sa mga negatibong komento at pang-ookray ng mga netizens laban kay Tom, mukhang may bahid nga ng katotohanan ang tsismis.
May mga nagsasabi na posibleng may third party involved sa breakup ng dalawang Kapuso stars at meron din ang naniniwala na nagkasawaan na lang daw ang mag-asawa kaya bigla na lang naghiwalay.
Ngunit may bagong isyung lumulutang ngayon tungkol sa isa pang posibleng dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa — ang pagsabak umano ni Tom sa mundo ng politika.
Kung matatandaan, nag-file ng certificate of candidacy ang Kapuso actor bilang first nominee para sa AMP (Anak Maharlikang Pilipino) partylist ngunit hindi nga ito nakasama sa final list ng Commission On Elections.
Ang second nominee naman ng AMP ay si Billy James Renacia, na dating napapanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN.
Base sa isinumiteng COC nina Tom sa Comelec noong October, 2021, ang kanilang part list ay kakatawan sa marginalized sector ng construction workers sa Pilipinas.
Kaya naman ang feeling daw ni Tom ay nabudol siya matapos maglabas ng malaking halaga ng pera sa nasabing grupo na ni-reject nga ng COMELEC.
Ganito rin ang nangyari sa partylist na kinabibilangan ng Superstar na si Nora Aunor na NORAA na nalaglag din sa official list ng partylist candidates para sa darating na eleksyon.
View this post on Instagram
Ang chika, hindi pala sang-ayon si Carla sa political ambition ng asawa na naging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan.
Nagpakasal ang celebrity couple noon lamang Oct. 23, 2021, ngunit after two months ay sumabog nga ang balitang nagkakalabuan na sila hanggang sa tuluyan na umanong naghiwalay.
Kung ang pagbabasihan ay ang sunud-sunod na patama ng aktres sa Kapuso actor, ay mukhang malalim nga ang pinaghuhugutan nito sa kanyang married life.
Nila-like kasi ni Carla ang mga pangnenega at pang-ookray ng ilang netizens kay Tom sa social media tulad ng pagtawag sa aktor ng “cheater” at “manloloko.”
Nitong nagdaang araw, may isang netizen ang nagkomento kung paano “natiis at iniwan” ni Tom si Carla sa kabila ng ilang taon nilang pagsasama sa iisang bubong.
“Nagtiwala syo ang biyenan mo tom…2 buwan natiis at iniwan mo ang asawa mo bagong kasal kyo hindi mo mahal ang wife mo kawawa si carla nagmahal at nagtiwala syo.
“Tom taas ng pride at ego mo buti nlang wala p anak kawawa naman broken family rin katulad ni carla…” ang buong pahayag ng supporter ni Carla.
Marahil ang tinutukoy na “broken family” ng netizen ay ang paghihiwalay din ng parents ng aktres na sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes. Ni-like ni Carla ang pahayag na ito ng netizen.
May isa pang Instagram user ang nagsabi kay Tom ng, “Guapo nga, di naman honest.” Na buong-ningning ding ni-like ni Carla na ang ibig sabihin, sang-ayon siya sa sinabi ng netizen.
Ni-like din ng aktres ang komento ng kanyang IG follower na mukhang “hindi affected” si Tom sa paghihiwalay nila ni Carla. Nalaman din daw nila na in-unfollow na ni Tom sa IG ang nanay ni Carla.
Bukas ang BANDERA sa pagiging paliwanag nina Tom at Carla tungkol sa mga isyung ito.
https://bandera.inquirer.net/306873/carla-tuloy-ang-pagla-like-sa-pang-ookray-ng-netizens-kay-tom-imposible-na-bang-magbalikan
https://bandera.inquirer.net/288464/paghihiwalay-ng-kontrobersyal-na-showbiz-couple-may-mas-malalim-pang-dahilan
https://bandera.inquirer.net/280592/tom-gusto-sana-ng-6-na-anak-carla-umapela-pwede-siguro-hanggang-2-kasi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.