Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi... Bandera

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Ervin Santiago |March 25,2021
share this

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Ervin Santiago - March 25, 2021 - 10:17 AM

ANIM na anak sana ang gusto ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez pero nang magkausap sila nang masinsinan ng fiancée niyang si Carla Abellana, biglang nagbago ang isip niya.

Nagkasundo ang celebrity couple na kung maaari ay hanggang dalawa lang ang maging baby nila dahil kailangan nilang i-consider ang hirap ng buhay ngayon, lalo’t wala pang kasiguruhan kung kailan matatapos ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tom, nu’ng una raw ay gusto niyang magkaroon ng six kids ngunit nagbago nga ito matapos ipaliwanag sa kanya ni Carla kung bakit hindi praktikal na mag-baby sila ng marami.

Sey ng Kapuso actress, “Masaya talaga kapag maraming baby, like si Tom he has five other siblings pero sabi ko parang hindi siya practical sa mga panahon ngayon.

“There are several factors to consider. Like paano mo bubuhayin ngayong may pandemic, sa education, and sa age ko na rin,” ani Carla na sinang-ayunan naman agad ni Tom.

“Oo nga, ang mahal pala talagang magpaaral ngayon kaya buti in-explain sa akin ni Carla. So sabi ko, sige pwede na yung dalawa,” sey ng aktor nang humarap sila ni Carla sa entertainment press (virtual meet) kamakalawa.

Samantala, naikuwento rin ng engaged couple na mahalaga sa kanilang pagsasama ang number 18 — ito ang date ng anniversary nila. Kaya naman Oct. 18, 2020 nag-propose si Tom kay Carla at .18 ang size ng kanilang engagement ring.

Kuwento ni Carla talagang nagulat siya nang yayain na siyang magpakasal ni Tom sa mismong bahay ng kanyang inang si Rea Reyes. Naroon ang kanyang pamilya at ang sikat na florist na si Gideon Hermosa.

“When I realized it was for me, that Tom was proposing, I was just really staring at the flowers and the candles. Para akong nag-space out kasi ganoon pala ‘yon. Parang wala kang masyadong narinig, so I couldn’t even understand what Tom was saying.

“Pero noong medyo nag-sink in na siya, of course, I cried. I became really emotional, lalo na when I saw Tom’s family was there virtually. Nakita ko sila, yung faces nila sa screen.

“Madaling-araw (3 a.m.) sa U.S. pero nakabantay sila sa proposal. Iyak ako nang iyak. Yung iyak ko, parang lola raw na iyak,” lahad ng aktres.

Sa tanong kung ano ang naglaro sa isip niya nang tanungin na siya ni Tom ng, “Will you marry me?” “Siyempre, yes, hindi na yun pag-iisipan.

“Sometimes kasi, di ba, napapanood natin sa movies na kapag may ganyan na nagpo-propose, parang medyo nabablangko pa yung girl, hindi makasagot agad.

“But, really, almost automatic naman yung answer. Yung yes to that question. Kasi kung tutuusin, proposal lang naman yung hinihintay.

“And our plans, stuff like that, so ‘yon yung una kong naisip when I heard him asked that question, yes talaga,” sey pa niya.

Pag-amin pa ni Carla, “Hindi man siya yung na-imagine mo, hindi man siya yung dream guy na matagal mo nang… hindi siya yung hulmang-hulma or perfect because, really, there’s no perfect person.

“But you see the relationship growing, you see the beauty in that person. And then, nasa sa ‘yo na ‘yan, choice mo na ‘yan. Magde-decide ka na, kasi love is a decision, e.

“If there’s one thing that I can promise and tell Tom, it’s I will continue to fight for the relationship and walang give up, give up!” chika pa ng Kapuso star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending