Carla Abellana sumailalim sa ‘egg freezing’: A transformative experience!

PHOTO: Instagram/@carlaangeline
IBINANDERA ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang naging journey niya sa egg freezing.
Sa isang Instagram post, inamin ng aktres na isa itong “transformative experience” nang piliin niyang sumailalim sa prosesong ito.
Para sa kaalaman ng marami, ang egg freezing ay isang fertility procedure kung saan kinokolekta at iniimbak ang eggs ng isang babae para magamit sa future.
Ginagawa ito para mapanatili ang fertility, lalo na kung may health conditions tulad ng hormonal imbalance o perimenopause.
Baka Bet Mo: Carla Abellana ginawang pendant ang green bones ni Delia Razon
Maraming babae ang nagpapagawa nito upang mapanatili ang chance nilang magbuntis kahit lumampas na sa peak fertility years.
Anyway, sinabi ni Carla sa kanyang post na dumaan siya sa masusing research, emotional preparation, at siyempre, sa tamang suporta bago tuluyang nagdesisyon na gawin ito.
“From the moment I decided to take this step, I knew it was important to surround myself with the right team,” sey ng aktres.
Lubos pa siyang nagpasalamat sa kanyang doktor na nagbigay rin sa kanya ng tamang impormasyon at kasagutan sa lahat ng kanyang mga tanong tungkol sa proseso.
Bukod diyan, pinuri rin ng aktres ang mga nurse na nag-alaga sa kanya, pati na rin ang top-notch facilities ng kanilang clinic na nagbigay sa kanya ng seguridad at kapanatagan sa buong proseso.
“I’m incredibly grateful to everyone involved—their kindness, support, and expertise made all the difference,” dagdag ni Carla.
View this post on Instagram
Sa edad 37, inamin ni Carla na nasa “perimenopausal” stage na siya at limang taon nang nakikipaglaban sa hypothyroidism.
Ang perimenopause ay isang stage kung saan nagiging iregular ang dalaw ng isang babae bago tuluyang huminto ang kanyang regla.
Ito ay may kasamang mga sintomas tulad ng hot flashes, mood swings, at hormonal imbalances.
Dahil dito, tila mas naging malinaw kay Carla ang kanyang desisyon na magpa-egg freezing upang magkaroon ng mas malaking pagkakataon na magkaanak sa hinaharap.
Kaya naman maraming netizens ang humanga sa aktres, hindi lang dahil sa kanyang tapang na ibahagi ang kanyang personal na journey, kundi dahil sa pagiging inspirasyon niya sa mga babaeng gusto ring maghanda para sa kanilang future.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Aww grabe the sacrifices women go through [crying face emoji]”
“Nice to know and God bless you, hugs may the Lord bless you with a little mini beautiful Carla at the right time [purple heart emoji]”
“Support you all the way! God will give you whatever your heart desires, trust the process! [red heart emoji]”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.