Carla Abellana naka-confine sa ospital: ‘I’ve been in so much pain!’
ANO kaya ang nangyari sa Kapuso actress na si Carla Abellana?
Kasalukuyan kasi siyang naka-confine sa Diliman Doctors Hospital, base sa latest Instagram post ng aktres.
Wala pang detalye si Carla, pero ibinandera niya ang ilang pictures na tinurukan na siya ng IV drip.
Ipinakita niya rin na may mataas siyang body temperature na umabot sa 39.6 C at may blood pressure na 82/52.
“Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort [crying, folded hands emojis],” caption niya sa IG.
Baka Bet Mo: Carla nag-sorry kay Kelley Day nang madamay sa breakup nila ni Tom
Makalipas ang ilang oras ay muli siyang nag-update at sinabing nakatulog siya ng mahimbing sa loob lamang ng tatlong oras.
“Last night I was able to sleep for 3 hours straight. THANK YOU, Lord [folded hands emoji],” wika niya.
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming netizens ang nag-alala at nagpaabot ng dasal para sa mabilis na paggaling ni Carla.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“We will include you in our prayers…get well soon Carla [heart, folded hands emojis].”
“Get well soon, madam. Will pray for your fast recovery! [folded hands emoji].”
“Lord touch your healing hands on carlaangeline. This I pray [folded hands emoji].”
“Pagaling ka po Madam! [white heart emoji] Praying for your healing po [folded hands emoji].”
Kung maaalala, naunang nang ibinunyag ni Carla ang ilang health conditions niya kabilang na ang asthma, tachycardia, hypothyroidism at dati na ring nagkaroon ng liver damage.
Ayon pa nga sa kanya, ito ang mga dahilan kung bakit nag-gain siya ng timbang noon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.