Panganay nina Melai at Jason naka-confine sa ospital, anyare?
MARAMI ang nag-alala sa recent social media post ng comedienne-actress na si Melai Cantiveros.
Sa Instagram, ibinalita ni Melai na kasalukuyang naka-confine sa ospital ang panganay niyang anak na si Mela.
Ibinandera pa nga ng komedyana ang ilang pictures na binabantayan nila ng kanyang mister na si Jason Francisco si Mela na nakahiga sa hospital bed.
Hindi na idinetalye ng aktres kung ano ang nangyari sa anak, pero lubos siyang nagpapasalamat dahil okay na raw si Mela.
“Thank you Lord ng marami at Ok ang aming Ate Mela and Thank you sa mga prayers niyo,” caption niya sa post.
Baka Bet Mo: Ruru isinugod sa ospital, payo ng doktor…mag-‘pause’ muna sa trabaho
Pinasalamatan din ni Melai ang kanilang doctor at nurses na nag-aalaga at nag-aasikaso sa kanyang anak.
“Thank you sa aming Doc De Castro and thank you sa mga nurses and doctors na nag-asikaso sa amin,” wika niya.
Sey pa niya sa IG, “Super Kamsamii sayu Lord at safe ang aming Ate Mela [folded hands, red heart emojis] at sa pambayad Thank you Lord [folded hands emoji].”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang nagpaabot ng “get well” wishes at messages para sa agarang paggaling ni Mela.
Kabilang na riyan sina Vina Morales, Sylvia Sanchez, Lovely Abella, Bayani Agbayani, Iza Calzado, Carla Abellana, Sofia Andres, at marami pang iba.
Narito naman ang naging komento ng ilang netizens:
“Omg ano po nangyari kay Ate Mela [crying emoji].”
“So glad to hear she’s doing better… may she continue healing [red heart emoji] sending you and your family prayers.”
“Get well very soon Ate Mela [folded hands emoji] complete healing.”
“Thank you Lord for Ate Mela’s recovery. We praise You Lord [red heart emojis].”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.