Ruru isinugod sa ospital, kailangang mag-pause muna sa trabaho

Ruru isinugod sa ospital, payo ng doktor…mag-‘pause’ muna sa trabaho

Pauline del Rosario |January 14,2024
facebook
share this

Ruru isinugod sa ospital, payo ng doktor…mag-‘pause’ muna sa trabaho

Pauline del Rosario - January 14, 2024 - 12:24 PM

Ruru isinugod sa ospital, payo ng doktor...mag-‘pause’ muna sa trabaho

PHOTO: Instagram/@rurumadrid8

MARAMI ang nag-alala sa Kapuso actor na si Ruru Madrid matapos ibandera sa social media ang kanyang latest update.

Ayon kasi kay Ruru, isinugod siya sa ospital dahil ilang araw na siyang may sakit.

Bukod diyan, nabanggit din niya na nahihirapan na rin siyang magsalita.

“Kinailangan kong dumiretso sa E.R from taping…dahil ilang araw na akong may trangkaso, masakit ang lalamunan at hirap magsalita,” balita ng aktor sa kanyang Instagram post kalakip ang ilang litrato habang nakahiga sa hospital bed.

Sinabi rin ni Ruru na pinayuhan na siya ng doktor na huminto muna sa trabaho upang tuluyan nang maka-recover sa kanyang sakit.

Wika niya, “Sinabihan [ako] ng Doctor na kailangan daw ng maayos na pahinga para sa mabilis na recovery. Meaning, pause muna sa trabaho.”

Baka Bet Mo: Ruru Madrid kinarir ang hand combat, motocross, martial arts para sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Black Rider’: Ibubuhos ko lahat para rito!

Sambit pa niya, “I feel bad na kailangan po umabot sa ganitong sitwasyon at naapektuhan ang trabaho.”

Inihayag din ng “Black Rider” actor ang kanyang pagkadismaya at lungkot dahil may event sana siya sa araw na ‘yun, pero hindi na siya nakasipot.

“Gusto ko po humingi ng paumanhin…gusto ng isip at puso ko na makapagpasaya at mapunan ang trabahong naipangako, pero hindi na po kinakaya ng katawan. Kailangan pakinggan at unawain ang kalusugan,” mensahe niya sa post.

Pagtitiyak pa niya, “Babawi po ako sa inyo, Pangako po yan! Godbless po at magpapagaling ako agad! [folded hands, red heart emojis].”

Hindi rin pinalampas ni Ruru ang kanyang pasasalamat sa kanyang longtime girlfriend na si Bianca Umali na talagang pinuntahan siya sa ospital upang asikasuhin at alagaan siya.

“P.S – May isang tao nga pala ang nagparamdam ng sobrang pagmamahal sa akin, hindi ko alam kung nagchi-chills ako dahil ba sa sakit o sa kilig [grinning face with sweat emoji], pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R, nagasikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat at nag-alaga sa akin,” saad ng aktor.

Ani pa niya sa dyowa, “Mahal na mahal kita kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding hindi ko pagpapalit kailanman [red heart emoji].”

Baka Bet Mo: Balitang naaksidente si Sharon sa US fake news: Hindi po totoo, so please relax

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Sa comment section, makikita ang ilang co-celebrities na nag-alala at nagpaabot ng “get well” wishes para sa kanyang paggaling.

Kabilang na riyan sina Matteo Guidicelli, Buboy Villar, Carla Abellana, Empoy, Melai Cantiveros, Katrina Halili, Paul Salas, Vicki Belo, Diane Medina, Vina Morales, Rocco Nacino, Tim Yap, Raymart Santiago, Chynna Ortaleza, at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending