Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife
TALAGANG napakaswerte ng year 2022 para sa Kapuso hunk na si Ruru Madrid!
Sunud-sunod ang mga blessings na dumarating sa buhay at showbiz career ng binata, idagdag pa ang mas tumitibay pang relasyon nila ng Kapuso actress na si Bianca Umali.
Pero ang pinakamatinding swerte na dumating sa career ni Ruru ay ang patuloy na pag-ariba ng action-drama series niyang “Lolong” na napapanood gabi-gabi sa GMA 7.
Bukod sa pagiging top-rating ng programa ay patuloy ding umaani ng pagkilala at parangal ang Kapuso adventure-serye ni Ruru.
Kamakailan ay kinilala ang programa bilang Best Primetime Serye sa Gawad Pilipino 2022 Icon Awards. Ito ang kauna-unahang award na nakuha ng show na kinabibilangan din nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan at Paul Salas.
Nagbubunga na nga ang hard work at dedication ng cast at production team kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng buong production sa lahat ng tumatangkilik sa serye.
View this post on Instagram
Pawang magaganda rin ang feedback na nakukuha ng “Lolong” tungkol sa husay ng mga cast at ganda ng kuwento ng show.
Wala yatang episode na walang paandar ang serye. Ito ngang mga susunod na tagpo ay dapat talagang abangan.
Kung kelan kasi nagkakamabutihan na sina Lolong (Ruru) at Elsie (Shaira), gagawa na naman ng gulo itong si Martin (Paul).
Paano na kaya haharapin ni Lolong ang mga Banson gayong nalaman na ni Armando (Christopher) na maaaring maging isang Atubaw ang isang tao kapag nasalinan siya ng dugo mula sa punong buwaya?
* * *
Humanda na sa much-awaited world premiere ng Pinoy remake ng sikat na K-drama, ang “Start-Up PH” na mapapanood sa GMA 7 sa darating na September 26.
Pinagbibidahan ito nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards bilang Tristan a.k.a. Good Boy at ang isa sa mga showbiz icons ng Pilipinas na si Bea Alonzo bilang Dani para sa kanyang first-ever Kapuso series.
Makakasama rin nila sa programa sina Yasmien Kurdi bilang Ina at Jeric Gonzales bilang Dave at marami pang iba.
Nito lamang September 16 ay inilabas na ang official trailer ng “Start-Up PH” na agad umani ng papuri online.
Komento nga ng isang netizen, “Kuhang kuha ‘yung original. Ang ganda pati mga character, bagay na bagay! Parang nanonood ka rin ng Kdrama ang husay nila!”
Marami na ring fans ang nag-aabang sa heartwarming na kwento ng show. Sabi ng isang fan ni Alden, “Very familiar kami sa story and the inspiring life lessons it imparted na sobrang relevant talaga. And finally makikita na namin ang matagal na naming hinihintay, ang team up nila Alden at Bea!”
Tutukan ang “Start-Up PH” simula sa September 26, Lunes hanggang Biyernes, tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa
https://bandera.inquirer.net/321957/ruru-naiyak-sa-pasorpresa-ni-bianca-sa-korea-dingdong-super-in-love-pa-rin-kay-marian-may-good-news-para-sa-mga-kapuso
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito
https://bandera.inquirer.net/323734/ruru-madrid-binansagang-trending-king-hataw-na-sa-lolong-nagba-viral-pa-sa-running-man-ph
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.