Ate Gay naka-confine sa ospital dahil sa pneumonia; nega sa COVID | Bandera

Ate Gay naka-confine sa ospital dahil sa pneumonia; nega sa COVID

Ervin Santiago |March 31,2021
facebook
share this

Ate Gay naka-confine sa ospital dahil sa pneumonia; nega sa COVID

Ervin Santiago - March 31, 2021 - 12:28 PM

NAKA-CONFINE ngayon sa ospital ang stand-up comedian na si Ate Gay matapos tamaan ng pneumonia.

Isinugod si Ate Gay o Gil Morales sa tunay na buhay, nitong nagdaang March 25 dahil sa pananakit ng katawan sanhi nga ng kanyang pneumonia.

Ayon sa kapatid ng komedyante na si Mary Ann Morales, maayos na raw ang kundisyon ngayon ni Ate Gay at conscious naman kaya nakakausap na rin nila.

“Medyo nagre-react naman ang mga gamot sa katawan niya as of now. May development naman. Sana po tuloy-tuloy na,” ayon sa panayam ng GMA kay Mary Anne.

Dugtong pa niya, “Kahit paano nakakausap na siya, medyo lumalakas na po tapos nakakatayo na rin siya ngayon.”

Nauna rito, nag-post ang sikat na impersonator ni Superstar Nora Aunor sa kanyang Facebook account ng kanyang litrato habang nakahiga sa hospital bed.

Wala itong caption pero nilagyan niya ito ng tatlong praying hands at tatlong heart emoji. Sinundan pa ito ng isa pang photo kung saan ipinakita naman niya ang negative result ng kanyang COVID-19 test.

Noong Mach 14 naman, ipinost ni Ate Gay ang litrato niya habang nakaupo sa wheelchair. Aniya sa caption, “Pelikula ng totoong buhay magkakasakit gagaling…Lalaban lang.”

Sa comments section, bumuhos ang mensahe ng pagsuporta at pagmamahal sa kanya ng mga fans at ilang celebrity friends na nangakong ipagdarasal ang kanyang mabilis na paggaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending