Ate Guy excited nang makasama sa music video ni Jojo Mendrez

Nora Aunor excited nang makasama sa music video ni Jojo Mendrez

Ervin Santiago - March 03, 2025 - 01:07 PM

Nora Aunor excited nang makasama sa music video ni Jojo Mendrez

Nora Aunor at Jojo Mendrez

CONFIRMED! Makakasama nga ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez ang National Artist na si Nora Aunor sa isa niyang bonggang project.

Mababasa sa official Facebook page ng singer-entrepreneur ang good news na ito kalakip ang short video ng movie icon at nag-iisang Superstar.

“National Artist and the Country’s Superstar Ms. Nora Aunor, excited sa gagawing Music Video ng kanta ni Jojo Mendrez ‘Nandito lang ako’. Coming soon, under Star Music,” ang nakasaad sa caption ng naturang FB post.

In fairness, ngayon pa lang ay excited na ang mga supporters nina Ate Guy at Jojo sa ilalabas nilang music video para sa first original song ng Revival King na “Nandito Lang Ako” composed by Star Music executive Jonathan Manalo. Ito’y bahagi nga ng pinirmahang kontrata ni Jojo sa ABS-CBN Star Music.

Baka Bet Mo: Trulalu ba, sulat ni Jojo Mendrez para kay Mark Herras napulot ng waiter?

Abangers ang mga Noranians kung ano ang magiging participation ni Ate Guy sa gagawing music video ni Jojo na matagal nang pangarap maka-collab ang award-winning at legendary actress ng Philippine showbiz.

Kaya naman isang dream come true para kay Jojo ang makasama ang Superstar sa gagawin niyang music video.

Sa mga hindi pa aware, matagal nang magkaibigan sina Jojo at Ate Guy at hanggang ngayon ay napanatili nila ang kanilang closeness kahit hindi sila regular na nagkikita at nagkakausap.


Taong 2018 ginanap ang first major concert ni Jojo Mendrez sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila na may title na “Revival King.” Special guest niya roon sina Ate Guy (bumati lamang at hindi kumanta) at Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales.

Matagal nang nai-record ni Jojo ang version niya ng “Somewhere in My Past” na unang kinanta ng yumaong aktres na si Julie Vega pero ngayon lang niya ito talaga pormal na ni-launch kasabay ng “Nandito Lang Ako”.

Bakit nga ba natagalan ang kanyang pagbabalik sa music industry? “Nu’ng panahon kasing yun, parang ano, e. Para bang wala akong nakikitang direksiyon sa pagkanta ko.

“Nandu’n yung parang insecurities ko, parang nandu’n yung weak side ko, na parang wala nang patutunguhan yung pagkanta ko.

“At the same time ay lumaki ako nu’n. Ang timbang ko is 350 pounds. So talagang pinilit kong mag-trim down. Nawalan ako ng 100+ pounds, pero mga 60 pounds na lang, siguro okay na ako. Kasi mahirap namang mag-diet, e.

“So nu’ng nag-lie low ako, meron kaming alam mo na, mga negosyo, yung pamilya ko. Yung mga napundar ko nu’ng time na…pinagtrabahuhan ko lahat iyon sa real estate.

“Du’n ako nag-focus. Bumili ako ng mga properties, nakipag-deal ako sa malalaking companies. Tapos yung gusto kong kumanta, nandu’n pa rin. Hindi siya nawawala.

“Nag-usap kami ng management ko (Aqueous Entertainment), sina David (Cabawatan) at Vince (Apostol), na kung magka-comeback ako, ano yung kanta na puwede kong gawin?

“So, ito nga, itong direksiyon na ito, itong nagkaroon si Dr. Mon del Rosario ng ‘Somewhere in My Past.’ Yun yung kantang hindi ko in-expect na mapupunta sa akin. So, yun yung tamang panahon na ibinigay sa akin from the time na tumigil ako,” lahad niya.

Nagkasundo ang Star Music at Aqueous Entertainment na gawan ng music video ang “Somewhere in My Past” at “Nandito Lang Ako.”

“And now, yun nga, nakakuha kami ng 45 million collected views ng ‘Somewhere in My Past’ dahil sa support ng mga social media influencers at saka nu’ng malalaking artist na nakarinig nu’ng  kanta,” masayang kuwento ng singer.

Mensahe pa ng singer, “Ang nangyayari lahat ngayon sa buhay ko, hindi pa talaga nagsi-sink in. Ang lagi ko sinasabi na parang nangangarap pa rin ako until now.

“Wag ka sanang mawawalan ng pag-asa. Never na mangyari yun kasi bawat isa pala sa atin, dun ko nakikita the real ano ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Du’n mo makikita na ang bawat isang pangarap ay meron siyang tamang panahon. Yun yung nakita ko sa napagdaanan ko in my life,” pahayag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending