Instagram account ni Tom Rodriguez 'di na mahagilap, nag-deactivate nga ba? | Bandera

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Therese Arceo |March 24,2022
facebook
share this

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Therese Arceo - March 24, 2022 - 05:08 PM

Instagram account ni Tom Rodriguez 'di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?
USAP-USAPAN ngayon ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez matapos ang kanyang pagde-deactivate ng kanyang Instagram account.

Bumibida na nga ang aktor sa iba’t-ibang headline dahil bigla na lamang hindi matagpuan ang naturang account nito at marami ang naghinuha na baka naka-deactivate na ito.

Matatandaang bago pa man pag-usapan ang pagkawala ng Instagram account ni Tom ay mainit na ang pangalan niya pati na rin ng asawa nitong si Carla Abellana sa social media.

Marami kasi ang nagsasabi na mukhang hiwalay na ang aktor sa kanyang asawa at kapwa Kapuso star na si Carla matapos ang kanilang engrandeng kasal noong Nobyembre 2021 sa Batangas.

Iba’t ibang espekulasyon ang lumabas patungkol sa dalawa na kesyo naghiwalay raw sina Tom at Carla dahil sa third party.

May ilan pa nga na nagdawit sa pangalan ng aktres at beauty queen na si Kelley Day na agad naman niyang pinabulaanan.

May nagsasabi rin na naghiwalay daw ang dalawa dahil sa pera at meron din na natuklasan raw ni Carla ang tunay na pagkatao ni Tom kaya nagdesisyon silang maghiwalay.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Marami ang lumabas na “dahilan” ngunit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kaya naman talagang nag-trending ang ama ni Carla Abellana na si Rey “PJ” Abellana matapos ang kanyang naging panayam kay Nanay Cristy Fermin.

Nabanggit kasi nito na diumano’y nagkaroon ng one night stand si Tom na tila naging dahilan ng kanilang away mag-asawa.

Nang tanungin naman siya kung may katotohanan ang kumakalat na chika tungkol sa pagiging beks ni Tom ay mariin naman niya itong itinanggi.

Matapos ang ilang araw ay binawi ng ama ni Carla ang kanyang statement patungkol sa “one night stand” dahil diumano’y nagalit ang anak sa kanya.

Saad nga ni ‘Nay Cristy noon, “At saka hanggang sa huli sinabi niya, ‘Hindi ko po directly sinasabing hiwalay na talaga sila dahil ako po ay umaasa na sana isang araw ay maiayos rin nila ang kanilang problema’. Nandon ‘yung hope n’ya na talagang isang araw, magkaayos ‘yung mag-asawa.”

Nanatili namang tikom pa rin ang bibig nina Tom at Carla patungkol sa kanilang relasyon at maski ang mga boss ng Kapuso network ay ayaw makialam dahil usaping mag-asawa ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
True ba, ang pagsabak ni Tom sa politika ang isa sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Carla?
Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending