Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan? Bandera

Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan?

Ervin Santiago |March 01,2022
share this

Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan?

Ervin Santiago - March 01, 2022 - 02:49 PM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang Kapuso actress na si Carla Abellana tungkol sa umano’y paghihiwalay nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Nagpakasal ang celebrity couple noon lamang October 23, 2021, ngunit after two months ay sumabog nga ang balitang nagkakalabuan na sila hanggang sa tuluyan na umanong naghiwalay.

Kung ang pagbabasihan ay ang sunud-sunod na patama ng aktres sa Kapuso actor, ay mukhang malalim nga ang pinaghuhugutan nito sa kanyang married life.

Nila-like kasi ni Carla ang mga pangnenega at pang-ookra ng ilang netizens kay Tom sa social media tulad ng pagtawag sa aktor ng “cheater” at “manloloko.”

Nitong nagdaang araw, may isang netizen ang nagkomento kung paano “natiis at iniwan” ni Tom si Carla sa kabila ng ilang taon nilang pagsasama sa iisang bubong.


“Nagtiwala syo ang biyenan mo tom…2 buwan natiis at iniwan mo ang asawa mo bagong kasal kyo hindi mo mahal ang wife mo kawawa si carla nagmahal at nagtiwala syo.

“Tom taas ng pride at ego mo buti nlang wala p anak kawawa naman broken family rin katulad ni carla…” ang buong pahayag ng supporter ni Carla.

Marahil ang tinutukoy na “broken family” ng netizen ay ang paghihiwalay din ng parents ng aktres na sina Rey PJ Abellana at Rea Reyes. Ni-like ni Carla ang pahayag na ito ng netizen.

May isa pang Instagram user ang nagsabi kay Tom ng, “Guapo nga, di naman honest.” Na buong-ningning ding ni-like ni Carla na ang ibig sabihin, sang-ayon siya sa sinabi ng netizen.

Ni-like din ng aktres ang komento ng kanyang IG follower na mukhang “hindi affected” si Tom sa paghihiwalay nila ni Carla. Nalaman din daw nila na in-unfollow na ni Tom sa IG ang nanay ni Carla.

Naka-off na ngayon ang comments section sa Instagram post ni Tom kung saan siya binabanatan ng netizens.

Ngunit nang i-check namin ang IG page ng aktor, makikitang naka-follow pa rin si Tom sa nanay ni Carla pero hindi na naka-follow si Rea kay Tom.

Hindi pa rin nagsasalita ang Kapuso actor tungkol sa umano’y paghihiwalay nila ni Carla. Pero marami ang nagpapatunay na totoong nagkanya-kanya muna ng landas ang dalawa at sa tanong kung pwede pa silang magkabalikan tanging sila lamang ang nakakaalam.

Pero base sa mga nababasa naming comments mula sa fans ng mag-asawa, sana raw ay magkaayos at magkabalikan na sila dahil sayang naman daw ang maraming taon na kanilang pinagsamahan.

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss…#truth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending