Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang 'yun, nai-scratch pa 'yung pangalan niya Bandera

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Therese Arceo |April 05,2022
share this

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Therese Arceo - April 05, 2022 - 04:16 PM

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang 'yun, nai-scratch pa 'yung pangalan niya

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin natatapos ang pang-ookray ni Manay Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Matatandaang nagsimula ang tila pagkadisgusto ng talent manager at manunulat sa Kapuso actress matapos niyang malaman na diumano’y pinatanggal siya sa listahan ng mga press na dadalo sa naturang presscon ng aktres para sa kanyang brand endorsement.

Two days ago ay may post ulit si Manay Lolit patungkol sa pahayag ni Cristy Fermin kung saan pinuri nito si Bea.

Aniya, “Tutoo iyon sinabi ni Cristy, Salve. Talaga naman sa edad na 34 alagang alaga ni Bea Alonzo ang kanyang mukha at katawan. Kaya nga hindi mapansin gaano mga peleges at laylay sa braso dahil ingat na ingat siya. At sa dami ng mga products na inilalagay para maalis ang wrinkles sa mukha, dapat lang talaga na magmukhang bata siya kahit pa nga malapit ng maging senior star.”

Dagdag pa ni Manay Lolit, hindi daw talaga siya dapat magmukhang “Tita Bea” lalo na at si Alden Richards ang partner niya.

Chika pa niya, “Saka ang husay naman ng glam team ni Bea na imagine mo 2 oras late sa presscon niya dahil siguro nga, talagang pinaghirapan mabuti na ayusin ng glam team, mula face hanggang legs , todo make up talaga.

“Alagaan talaga ni Bea Alonzo ang face at katawan, iyan ang investment niya para may power siya na mag cancel ng invited guests sa launching ng product na endorse niya na sana ay binili sa market ng mga followers niya para naman kumita sana ang business ng kumuha model sa kanya.

“Bea Alonzo is Bea Alonzo, bonggang bongga di ba!”

Napa-react naman si Ogie Diaz sa nangyayari sa pagitan ng dalawa.

“Feeling ko talaga na-offend si Ate Lolit nang tanggalin ang pangalan niya sa press list,” saad ng talent manager.

Takang tanong naman ni Mama Loi, “Pero bakit si Bea ang binabalikan niya? Si Bea ba talaga ang nagpaalis sa kanya?”

Hindi man alam ni Ogie ang sagot pero sa tingin niya, para kay Manay Lolit ay malaki ang kinalaman ng aktres sa nangyari kaya ayaw niya itong tantanan.

Kwento rin niya, mayroon rin talagang sey ang artist sa mga press na iimbitahan dahil minsan na niya itong nagawa sa alaga niyang si Liza Soberano.

Aniya, kapag may nakikita siyang press na binatikos o tinira na noon ang kanyang alaga ay pinapatanggal nito sa listahan.

“Alam naman ni Ate Lolit ‘yun dahil kahit siya ay nag-i-scratch rin ng pangalan,” lahad ni Ogie.

Hiling naman niya na sana ay matapos na ang nangyayari sa pagitan ng dalawa.

“Feeling ko kapag nilapitan ni Bea si Ate Lolit, pag in-approach niya o tinawagan niya, mawawala na ‘yung galit non at mala-love siya.

“Naano lang talaga siya na sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya. Parang insulto nga naman pero syempre karapatan rin ng brand kung sino ang iimbitahan nila,” sey pa ni Ogie.

 

Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Fans ni Bea Alonzo niresbakan si Lolit Solis; Vhong Navarro solid kapamilya pa rin

Lolit Solis nag-sorry matapos banatan ng netizens nang ikumpara si Marian kay Bea

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending