Sampaguita girl masama raw ang ugali, sey ng friend ni Ogie Diaz

Sampaguita girl masama raw ang ugali, sey ng friend ni Ogie Diaz

Therese Arceo - January 22, 2025 - 02:04 PM

Sampaguita girl masama raw ang ugali, sey ng friend ni Ogie Diaz

PATULOY na naglalabasan ang mga kuwento at chika patungkol sa nag-viral na sampaguita girl na nagtitinda sa isang kilalang mall sa Mandaluyong.

Sa katunayan, marami sa mga artista ang nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa isyu.

Para sa mga hindi aware, isang video ang nag-viral online kung saan makikitang pinapaalis ng security guard ang estudyanteng nagbebenta na tinawag na “sampaguita girl” ngunit tila hindi nagkasundo ang dalawa at nauwi ito sa sakitan.

Maging sina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs ay naging ang viral video sa kanilang online vlog na “Showbiz Updates”.

Baka Bet Mo: Derek, Rocco may opinyon din sa viral video ng sekyu, sampaguita girl

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon sa mga chika, talagang noon pa man ay pumupuwesto na si sampaguita girl sa naturang mall at marami na rin nakakakilala rito bago pa man ito nag-viral.

Isa rin sa mga kaibigan ni Ogie ang nagsabi na hindi raw talaga kagandahan ang ugali ng babae kaya marahil ay napikon na rin ang guwardiya.

“Ma, I’ve seen that kid in uniform, hindi bata ‘yun. Maliit na adult kaya naka-mask. Super salbahe ‘yun. I always encounter her sa Megamall kaya siguro napuno na ‘yung guard,” sey ng friend niya.

Ngunit ang tanging makakasagot lang raw sa tunay na nangyari sa pagitan ng security guard at viral sampaguita girl ay ang tao sa likod ng viral video.

Hiling lang ni Ogie na sana ay ipinairal ng guwardiya ang kanyang maximum tolerance para walang nangyaring sakitan sa pagitan nila ng babaeng nagtitinda ng sampaguita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending