Lolit Solis nag-sorry matapos banatan ng netizens nang ikumpara si Marian kay Bea | Bandera

Lolit Solis nag-sorry matapos banatan ng netizens nang ikumpara si Marian kay Bea

Therese Arceo |July 20,2021
facebook
share this

Lolit Solis nag-sorry matapos banatan ng netizens nang ikumpara si Marian kay Bea

Therese Arceo - July 20, 2021 - 03:35 PM

Marian Rivera, Lolit Solis, Bea Alonzo

NAG-SORRY si Manay Lolit Solis matapos batikusin ng mga netizens dahil sa kanyang pagkukumpara kay Marian Rivera at Bea Alonzo.

Maraming netizens ang nagalit dahil tila pinagsasabong daw ni Manay Lolit ang dalawa.

Ayon kasi sa Instagram post nito, nakakatawa raw ang kumakalat na isyung naagawan na ni Bea ng korona si Marian matapos ang paglipat nito mula sa Kapamilya network.

“Katawa-tawa ang isyu na maaagaw ang korona bilang reyna ng GMA 7 kay ­Marian Rivera Dantes sa pagpasok ni Bea Alonzo.
“Eversince na naging top star ng GMA 7 si ­Marian, siya na bale ang face of the station. Sa GMA 7 siya nagsimula, nakapag-asawa, nagkaanak, kaya paano mo siya aagawan ng korona?

“Si Marian as of now ay semi-retired dahil gusto niya na gawing priority muna ang pag-aalaga sa mga anak na sina Zia at Ziggy.

“Pagiging reyna ng Dantes household ang una para sa kanya, pangalawa lang ang korona ng career niya. So bakit siya mai-insecure sa pagpasok ni Bea?

“Who cares kung lumipat sa GMA 7 si Bea? Anong pakialam ni Marian? Alam ni Marian kung ano ang kingdom na mas gusto niyang ipaglaban, kung ano ang mas mahalaga sa kanya.

“Ok, sabihin mo na, naagaw ni Bea ang korona sa GMA 7, may dalawa ba siyang cute na anak tulad ni Marian? May King ba siya na tulad ni Dingdong Dantes?

“So in the end, sino pa rin ang panalo? Sino ang tunay na reyna? Dahil priority niya ngayon ang pamilya, sige pag-agawan na ninyo ang korona, tutal may nanalo na. Hayun o dalawa ang hawak na korona, sina Zia at Ziggy,” buong pahayag niya sa kanyang post.

Inulan ng comments ang post na ito ni Manay Lolit. Marami ang hindi pumabor sa opinyon niya at itigil na raw niya ang paggawa ng issue dahil may kanya-kanyang talent at charm ang dalawa.

Giit pa ng ilang netizens, below the belt ang kanyang paraan ng pagkukumpara.

“Manay im always reading your ig post and opinionsbut this time i will not agree with this yes marian is still a queen of gma 7 admit if but the way you comparing bea to marian? Like may dalawa ba siyang cute na baby? may king ba siya gaya ni dingdong? hindi na parang ka impokritahan na yan?”

“Nu ba yan parang pinag aaway mo pa si Marian at Bea. Imbes na walang issue sakanilang dalawa. Ginagawan mo pa?!”

Agad namang humingi ng tawad ang beteranang kolumnista at talent manager sa naturang post niya kahit hindi niya ma-gets kung saan nanggagaling ang negative comments ng netizens.

“Hindi ko na naman ma-understand ang galit ng mga fans sa naging opinion ko at na-post. Talaga siguro dapat cool at chill ka lang lagi.

“Sa hirap ng buhay at sitwasyon natin, siguro nga madali mag-flare up ang emosyon ng tao. Iyon bang dapat lang meron kang fallback sa problema mo, para malimutan mo sandali.

“Hah hah, iyon bang konti pagkakaiba ng outlook ninyo, big deal na talaga. Hay naku, wasted energy talaga iyon sasali ka sa isang issue na ikaw na mismo nagsasabi na hindi puwede mangyari. Hindi pala puwede, why waste your time?

“Sige na, ok na, gawin na lang natin emotional outlet ang comment section ng IG, hindi ako magagalit dahil karapatan niyo, sabi ko nga huwag lang bastos, tanggap ko.

“Opinion ko iyon, at sana nga ako lang ang nag isip ng bagay na iyon. Masarap din makita na ang dami palang nagmamahal kay Marian Rivera at kahit kay Bea Alonzo.

“Nice. Sweet. Good competition kung magkakaruon. So, mea culpa, sorry sa ginawa kong comparison, huwag ng high blood, ayaw ni Delta, Lambda, at Beta variant ng covid, baka maghasik ng lagim.

“Hah hah joke joke. Enjoy na lang tayo, huwag na nega, hindi maganda. Pag galit nagkakaroon ng wrinkles, tumatanda. Pag naka-smile, happy ang mood, maganda ang paligid. Maging kamukha tayo nila Marian at Bea, mas mabuti diba,” pagbabahagi niya sa isa pang IG post.

Tahimik naman ang dalawang pinagsasabong at tila busy rin sa sari-sariling buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, nasa Amerika si Bea at ineenjoy ang bakasyon bago sumabak sa mga bagong Kapuso projects habang si Marian naman ay focus sa pagiging hands on mom kina Zia and Ziggy at loving wife kay Dingdong Dantes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending