Ai Ai walang swerte sa lalaki, pinayuhan: Try mo kaya sa babae?
BINIGYAN ng love advice ng mga DJ ng Barangay LS Forever na sina Papa Obet at Papa Dudut sina Ai Ai delas Alas at Bea Alonzo na mukhang walang swerte sa lalaki.
Sa pagpasok ng 2025, nagbahagi ng payo ang dalawang batikang radio DJ para kina Ai Ai at Bea na single na single ngayong Bagong Taon matapos ang controversial breakup sa kanilang respective partners.
Naging special guest sina Papa Obet at Papa Dudut sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakalawa at natanong nga sila ng King Of Talk kung ano ang maipapayo nila kina Ai Ai at Bea.
Binalikan ni Tito Boy ang pakikipaghiwalay ni Gerald Sibayan kay Ai Ai sa pamamagitan ng chat at ang nabigo nilang pagta-try ng IVF para magka-baby.
“Regarding sa gustong magkaanak, pareho kami ng pinagdaanan. I undergo IVF, e,” sey ni Papa Dudut.
“So, gustong-gusto ko kasi magka-baby din, ang hirap, sa side nung lalaki ‘no, ang hirap kasing sabihin ko na hindi valid reason pero kung hindi siya sinuwerte sa kanyang napangasawang huli, e, hindi ka swerte sa lalaki, try mo kaya sa babae, Ms. Ai Ai,” birong chika pa ni Papa Dudut.
View this post on Instagram
Dugtong pa ng DJ, “Si Ms. Ai Ai kasi ano siya e, strong ‘yung personality niya, e. Upon seeing the interview, parang kaya niya, nagawa niya before, e. Ang dami ng hiwalayan before na napagtagumpayan naman niya, e. I believe makakayanan niya.”
Sumang-ayon naman sa kanya si Papa Obet, “Para sa akin, like sinabi ni Papa Dudut, marami na siyang napagdaanan, and lahat naman ‘yun nalagpasan niya.
“Keep going lang, kung ano ‘yung makakapagpaligaya sa kanya. Kung kinakailangan niya maghanap ulit ng bago, at doon siya magiging masaya, go ahead,” aniya pa.
Sumunod na binanggit ni Tito Boy ang pangalan ni Bea Alonzo na nahiwalay sa kanyang fiancé na si Dominic Roque last year.
Sey ni Papa Dudut, “For Bea, magtanim ka nang magtanim sa farm kasi ang ganda nung farm niya, Tito Boy. I-enjoy mo lang ‘yung time mo with your mother, mag-vlog ka pa nang mag-vlog para mag-enjoy ka. And, darating ang para sa ‘yo.”
Pahayag naman ni Papa Obet, “Darating talaga ‘yung para sa kanya. Sa ngayon siguro, mag-enjoy muna siya sa ginagawa niya, and I think, parang last year, may lumabas, na-post something na may kasama siyang lalaki.
“For me, that’s good for her. Sige lang, gawin mo lang ‘yung gusto mo. Kung kinakailangan mong makipag-date, makipag-date ka lang, as long as magiging masaya ka lang,” sey ng DJ.
Samantala, nabanggit din ni Tito Boy ang name nina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Reaksyon ni Papa Dudut, “Si Kobe, mag-basketball ka na uli kasi parang nababalitaan ko, sobrang busy na magkasama sila palagi.
“Pero, ganu’n talaga, kapag bagong relasyon, talagang gusto mo you spend time with her. Masaya kami para sa ‘yo, and be happy with Kyline,” paliwanag ng DJ.
Para naman kay Papa Obet, “Sa akin ano, ‘wag masyadong showy kasi ‘pag maraming nakakaalam, maraming nakikialam.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.