David super lucky na sa career, swerte pa sa negosyo: ‘Naalala ko umutang pa ako sa dad ko para sa itinayo kong boxing gym’
TULUY-TULOY pa rin ang pagdating ng blessings at swerte sa Kapuso hunk at tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Bukod sa sunud-sunod na tagumpay niya bilang artista sa bakuran ng GMA 7, successful din ang lahat ng pinasok na negosyo ng leading man ni Barbie Forteza sa hit primetime series na “Maria Clara at Ibarra.”
Pero, mismong si David na ang nagsabi na hindi rin naging madali para sa kanya ang magtayo ng iba’t ibang business, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
View this post on Instagram
Sabi ng aktor, ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang nag-push sa kanya para pasukin ang pagnenegosyo kaya naman todo ang pasasalamat niya sa mga ito ngayong lumalago at lumalaki na ang mga pag-aari niyang business.
“I grew up in a Chinese high school and as we know, ‘yung mga Chinese, into business talaga and I also realized na showbiz is not forever,” ang pahayag ni David sa interview ni Karen Davila na napapanood sa YouTube channel nito.
Baka Bet Mo:
Dugtong pang chika ng Kapuso heartthrob, “I just like creating things, and I like solving problems kaya siguro ‘yung business, sobrang challenging siya for me, but I love challenges kasi.”
View this post on Instagram
Ang unang negosyong itinayo ni David ay ang kanyang gym, “Yung sa boxing gym, umutang ako sa dad ko. Hindi naman ganu’n kalaki kasi I raised my own money rin, siguro mga P600,000.”
Pahayag pa ni David, ang pinakamatagumpay niyang business venture ay ang Kuya Korea restaurant, na nag-o-offer ng Samgyeopsal o Korean barbecue in a bowl.
Ang nasabing Korean-inspired resto ay sinimulan daw niya from scratch, “This started nung I went to Cash & Carry to buy supplements and then may nakita akong Samgyeop in a bowl and naisip ko na ‘Uy, parang ok yun, a?’ Kasi parang wala pa masyadong ganu’n.”
Dito, ang ino-offer nila mostly ay comfort food kabilang na ang Samgyeop in a bowl, Korean fried chicken, noodles, milk tea, and bingsu at milk-based shaved iced dessert topped with sweet toppings.
Last year lang niya ito sinimulan pero balak na nilang magpa-franchise, “Starting in two months, magpapa-franchise na kami, and marami nang inquiries.”
Sa kanya rin daw ang Sobra comfort food, na nagsimula lang bilang online business na ngayon ay isa nang cafe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.