Zeinab Harake isinubsob ang boobs sa buhanginan, na-touch sa regalo ni Xian Gaza: 'Sobrang swerte ko meron akong katulad mo!' | Bandera

Zeinab Harake isinubsob ang boobs sa buhanginan, na-touch sa regalo ni Xian Gaza: ‘Sobrang swerte ko meron akong katulad mo!’

Ervin Santiago - February 22, 2023 - 06:27 AM

Zeinab Harake ibinaon ang boobs sa buhanginan, na-touch sa regalo ni Xian Gaza: 'Sobrang swerte ko meron akong katulad mo!'

Zeinab Harake

HOT na hot ang latest pasabog photos ng social media personality na si Zeinab Harake na kuha habang nagbabakasyon siya sa isang beach resort.

Sa kanyang Facebook account ay nakabalandra ang kanyang sexy photos, kabilang na ang mga topless shots sa dalampasigan.

Kitang-kita na in-enjoy talaga ni Zeinab nang bonggang-bongga ang pinuntahang lugar kung saan siya literal na nagbilad ng kanyang katawan.

Base sa mga litratong ibinahagi niya sa kanyang FB followers, makikitang tinanggal ni Zeinab ang kanyang bra at saka isinubsob ang kaniyang dibdib sa buhanginan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake


“Let the sea set you free,” ang maikling caption na inilagay niya sa mga kanyang sexy IG photos.

Bukod sa kaseksihan at kakinisan ng socmed influencer at vlogger at marami ring netizens ang nakapansin at nagandagan sa tattoo niya sa likod.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksiyon sa kanyang FB post.

“Beautiful view! Beautiful Zeinab! You deserve the best!”

“Swerte naman ng buhangin!”

“Tattoo is great!”

“Gorgeous inside and out.”

“Enjoy being wild and free.”

“Ganda ng tattoo.”

“Ganda ng view hehe.”

“Babe wag masyadong magpa init.”


Samantala, ibinandera rin ni Zeinab ang iniregalo sa kanya kamakailan ng special friend niyang si Xian Gaza. Isa tong scrapbook na Talagang nagustuhan niya nang bonggang-bongga.

Aniya, “May gift daw sya at nahihiya daw sya hell no..isa to sa pinaka maganda at super sweet na gift na natanggap ko no need gumastos ng malaki pero yung effort at nilalaman sobrang solid ang sarap sarap sa puso.

“Ang sarap magkaron ng kaibigan na naaappreciate ka at nakikita ka ng totoo at buo salamat mahal kong gaza sobrang swerte ko meron akong katulad mo.

“Feeling ko tuloy highschool ako na may nag kakacrush tapos sinendan ng scrapbook nakaka bata po opo whahahaha the best,” mensahe pa ng socmed influencer kay Xian.

KathNiel, DonBelle tuloy-tuloy ang swerte sa 2023; Master Hanz may payo kina Vice at Coco para makaiwas sa ‘malas’

Year of the Water Rabbit may dalang swerte sa love, career at relasyon; pero paano nga ba kokontrahin ang kamalasan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending