Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko... | Bandera

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Ervin Santiago |September 12,2022
facebook
share this

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Ervin Santiago - September 12, 2022 - 07:47 AM

Rhea Tan at Zeinab Harake

MARAMING natatanggap na offer mula sa iba’t ibang TV network ang vlogger at social media superstar na si Zeinab Harake.

Pero mukhang hindi pa handa ang content creator na pasukin ang mundo ng showbiz kaya wala pa siyang sinasagot na network na nais kumuha sa kanyang serbisyo.

“Natatakot lang po talaga akong pasukin ‘yung mundo ng showbiz, feeling ko kasi hindi pa ako handa na sumabak sa acting,” ang pag-amin ni Zeinab sa harap ng entertainment media nang ipakilala siya ni Rhea Anicoche Tan bilang pinakabagong brand ambassador ng pag-aari niyang Beautederm Corporation.

Nasubukan na rin daw ni Zeinab ang showbiz noong bata pa siya pero parang hindi raw talaga niya kaya ang demands sa pagiging artista.

“Ako po talaga, gusto ng parents ko na mag-artista ako, lalo na ‘yung mama ko. Sa totoo lang po, nag-o-audition po ako sa GMA, sa ABS, sa kahit saan. Naranasan ko pang maging ekstra sa mga TVC noong bata po ako.

“Talagang nakita ko kung gaano kahirap at kagaling ‘yung mga artista. Hindi ko masabi na kaya kong gawin ‘yung kaya nilang gawin, e. Magiging totoo lang po talaga ako palagi sa kung hanggang saan ang kaya ko,” pahayag pa ng vlogger.

“For now, kung ano po ‘yung nao-offer sa akin, lumalabas po ako sa TV, nagkakataon po na kapag guesting naman kasi is being you lang din naman ‘yun. So, para lang din akong nagba-vlog, ganu’n.

“Pero pagdating po sa serye at sa movies, malalaman pa po natin ‘yan. Sa mga sayaw-sayaw, guesting-guesting, pumapalag naman po ako diyan. Kahit talk show-talk show, kasi sayang naman ‘yung konting talakan ng isip ko pagdating sa mga standards ng mga mamamayan.

“Sa kanila kasi ako lumaki, e. ‘Yung bunganga ko, pang-kanila talaga ‘yun. ‘Yung mindset ng streets, iba po talaga ‘yon, e. The way, na nagsasalita ako sa mga video ko, nagugustuhan nila and nakaka-relate sila,” sabi pa ng celebrity mom.

Kasunod nito, nagpasalamat nang bonggang-bongga si Zeinab sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, “Lahat po ng ginagawa ko, natural lang. Hindi po ako nagpapaka-plastic, hindi ko po kailangang ipilit ang sarili ko, and okay na po ako na ganito.

“Kung sino po ang tumatanggap, marami pong salamat, mamahalin ko kayo ng lubos, hindi ko hahayaang masira ang tingin ninyo sa akin,” sabi pa niya.

Sa tanong kung kaya ba niyang magpaseksi sa pelikula, “Parang di ko naman keri na sexy agad. Kasi ‘yung mga sexy themes ko, e, ang mga nakakakita lang din po ay ang team ko. Hindi ko keri na maghubad nang maraming tao.”

“Kasi po may mga naging offer sa akin, hindi ko na lang po babanggitin kung anong movie ‘yon, isa ‘yun sa mga parang medyo bastos na movie na nailabas.

“Noong nabasa ko po ‘yung linya, ako po ‘yung kalog talaga at walang preno ang bunganga, pero ‘yung mga ganung salita, hindi ko po kayang bitawan,” sey pa ng vlogger.

“Hindi ko po gagawin ‘yung mga bagay na hindi ko po keri talaga lalung-lalo na sa mga bagay pagdating sa pagkababae kasi po babae ang anak ko, tapos babae po ako, at medyo maselan nga po akong napalaki. Kaya po hangga’t maaari hindi ako nag-aano sa mga nag-o-offer.

“Malalaman natin pero hindi pa ako sure. Siguro mga 80 percent hindi ko pa kaya magpa-sexy, yung 20 percent papasok tayo sa istorya and kung gaano kalala ang dapat gawin,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung ano lang po yung kaya ko, lahat po ng keri kong gawin, let’s go. Pero ‘yung mga bagay na hindi pa, siguro po maaaral natin in the future. Gaya po ng sabi ko, bata pa naman ako,” sey pa ni Zeinab.

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Zeinab Harake napaiyak habang nagpapasalamat sa kapatid: Siya ang nag-save sa akin, kaya itinuloy ko ang laban

Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending